Wednesday, May 26, 2010

HABA @ MTRCB

Bahagi ng bawat ginagawang pelikula ang ipasa ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa approval for public exhibition at rating. At kasama ang aming Production Manager sa Sinehan Digitales, Inc. nagkaroon ako ng pagkakataon upang tumambay sa tanggapan ng isa sa mga pinakakilalang ahensya ng gobyerno, ang MTRCB.

Ang "HABA ng Segundo, Minuto, Oras, Araw, Gabi at Panahon" ni direk Cris Pablo ay kamakailang na-rated X dahil sa ilang eksena at tema na di umano pumasa sa guidelines ng MTRCB. Matapos ang mga cuts at deletion ng ilang mga eksena ay muling binalikan ng Sinehan Digitales ang MTRCB para sa panibagong review. Malakas ang tensyon ng kasama ko dahil kinabukasan na mismo ang nakatakdang showing ng naturang pelikula.

Matapos ang maghapong paghihintay ay na-apruban naman ang pelikula at pumasa sa rating na Rated-18. Nauna ko nang napanood ang HABA habang ine-edit palang ito. Pero malaki ang pinagkaiba ng naunang cut sa version na ipinasa ng MTRCB. Sinasabing mahigpit ang MTRCB pagdating sa pag-review ng mga maseselang eksena ng isang pelikula. Pero madalas hindi naman ganoon ang kalakaran. Napansin ko na hindi balanse kadalasan ang paghatol sa ibat-ibang pelikula. Minsan depende sa board member na nagre-review. Minsan depende sa kredibilidad o kapit ng director na gumawa. Minsan ay internal factor naman. 

Narito ang quicktrip sa unang pagkakataon ko na langhapin ang masarap na aircon ng MTRCB.


Ang lounge or waiting area.


1:37PM Sign up muna for guest and visitors.

Ito ang screening room. Kasalukuyang nire-review ang FACE TO FACE Ep 43: KASALANG NABULILYASO, DAHIL SA PANGAKONG NAPAKO!
2:58PM Ang Cooperative Store (na akala namin ay magtatawid ng aming gutom, pero nangangarap lang pala kami).




Isang malaking wall window. Para makatipid ng kuryente sa araw.

4:14PM Nire-review na uli ang pelikula. Kabado ang lola mo. Tatlong beses inulit ang bala. Ang dasal ay naway wag ng ma-X ang pelikula dahil bukas na ang showing. Pag di pa rin na-apruban, tyak maba-ban ang SDI sa mga cinema houses.
5:56PM Luckily, sa dami ng cuts, nakalusot na rin. Nagpapa-authenticate at dry seal ng Permit for Public Exhibition.
6:01PM Natapos ang maghapon na may ngiti sa labi ang aming Production Manager. Matagumpay na maipapalabas ang HABA kinabukasan.

Ang Haba ng segundo, minuto, oras, araw, gabi at panahon starring Joeffrey Javier,Chamyto Aguedan at Jeff Luna ay showing na today (habang pinopost ko ito) sa Robinsons Galleria, Isetann Recto, Remar cinema cubao at Colon Cinema Cebu. Directed by Cris Pablo under Sinehan Digitales Inc.

PS: Hindi ako nakapagpa-picture sa Chairman na si Laguardia. Kailangan pa daw ng letter dahil hindi naman daw siya public figure para basta-basta lang picturan ayon sa distribution namin na suki na ng MTRCB. Anu daw? Ewan ko kung totoo yun. Mabilis na pumasok si Chairman sa kanyang office pagkadating niya at hindi na muling lumabas.


Saturday, May 22, 2010

PAC-MAN: A Legend. An Icon.


Today marks the 30th anniversary release of PAC-MAN computer game. It is universally considered as a legend and an icon of video-computer games. 


PAC-MAN was developed by Namco and became a popular arcade game on 1980s. It was primarily developed by a young Namco employee Tōru Iwatani, over a year, beginning in April 1979. The original title was pronounced pakku-man and was inspired by the Japanese onomatopoeic phrase paku-paku taberu, where paku-paku describes (the sound of) the mouth movement when widely opened and then closed in succession.


PAC-MAN has been awarded by Guinnes World Records as THE MOST SUCCESFUL COIN-OPERATED GAME and more.

Nintendo, Sony PS3 and Xbox creators and players should pay tribute to PAC-MAN arcade game, the Michael Jackson of virtual gaming.


-------------------------------------------------------------------------
Resources

Thursday, May 20, 2010

REVIEW: Here Comes The Bride

HERE COMES THE BRIDE is a milestone on Philippine comedy entertainment! So far it is one of the funniest comedy films I saw recently following the degree of Kimi Dora and Dead Na Si Lolo. Here Comes The Bride under Quantum FIlms is said to be produced as an independent film but due to reported budget issue, Star Cinema together with OctoArts co-produced the film making it a complete project. 



Here Comes The Bride is a story about freak accident that causes five very different people to swap souls right before a big wedding. As the five try to figure things out and return to their bodies, they quickly learn to appreciate looking at life from a very different perspective.

The casting is powerful and direk Chris Martinez was able to provide equal exposure for the five main characters without overshadowing each other. The cast performed so nicely that you can barely identify who is who. Angelica Panganiban who posses the soul of John Lapus did an awesome performance for the role with a gripping and top to bottom film language. Of course Eugene Dominggo contributed a marvel of comic feat for the entire film. Personally it is always a huge attraction for me see Eugene Dominggo in a film. Her performance in Here Comes the Bride, as usual, is superb and a laught-out-loud thing! Putting additional mix of Kuya Kim, Cherry Pie and other stars like the bride's hunk husband-to-be make, it a complete fiesta summer comedy! 

When I took the tickets from the booth I expected the price to be like around 130-140 since one of my friends told me that it only cost such. I was surprised when my 300 Pesos didnt fit for two people. But afterall, it was really a fun experience seeing a high quality mainstream like this. I really cant say any negative feedback about the film. There were no dull moments and its noticing that the plot has been carefully created and the production design is a hardwork. 
Sabi nga ni Angelica Panganiban mula sa katauhan ni John Lapus, ACHIEVE NA ACHIEVE! =D

Here Comes The Bride is still showing on SM Cinemas and Robinsons Movieworld.

----------------------------------------
Special thanks to http://clickthecity.com





Saturday, May 15, 2010

Antipolo 2010

Dumaan na ang eleksyon. Nag-iwan ng ibat-ibang damdamin sa mga tao, sa mga taong bayan, sa publiko. Kanya-kanyang kampihan, kanya-kanyang alyansa. Pero sa totoo lang, hindi madaling gumawa ng opinyon tungkol sa pulitika. Sa panahon ng halalan, nahahati-hati ang bayan. Nagkakaroon ng kampihan at nagdudulot ng ibat-ibang sentimento. Natural na yon. Simula palang sa kasaysan ng Pilipinas, nagiging diversified ang bansa pagdating sa panahon ng botohan. At sa pagkakataong ito, sa kasamaang palad, nagkaroon ako ng opinyon.

Hindi naman ako fanatic ni dating Mayor Angelito C. Gatlabayan (ACG), pero lumaki ako sa bayan ng Antipolo na siya ang kinamulatan kong alkalde. Mula 1998-2007, nagsilbing pinuno ng bayan ng Antipolo si ACG at tatlong beses nahalal sa ganoong pwesto. Ito yung mga panahon na pa-graduate ako sa Juan Sumulong Elementary School patungong highschool sa Antipolo National High School. Hanggang sa tumuntong ako sa kolehiyo, ang tatlong letra pa rin na ACG ang nakikita ko sa paligid ng sinilangan kong bayan. Sa madaling sabi, sa panahon na umusbong ang kamalayan ko sa mga bagay-bagay ay siya ring panahon na nasaksihan ko ang pagbabago sa munting bayan ng Antipolo. Mula sa mga panahon na madilim pa ang mga lansangan at iisa palang ang Jolibee sa bayan, sa bawat araw na umuuwi ako mula sa eskwelahan, napansin ko ang dahan-dahang paggalaw ng aming simpleng siudad. 

Sa panahon ni ACG, nadagdagan ng 18 secondary schools ang Antipolo. Ang mga dating extension lamang ay naging mga independent national high schools. Nagkaroon din ng URS branch sa may gilid ng Unciano Hospital, ito ang kauna-unahang state university na nakarating sa Antipolo. Dumagsa din ang mga covered courts at ayon sa naitala ay 52 ang lahat ng ito. Nagsulputan din ang mga daycare centers, multi-purpose buildings, baranggay halls, health centers, lumawak ang mga kalsada sa upper and lower Antipolo, nagkaroon ng ilaw ang mga lansangan tulad ng sa zigzag, pumasok ang turismo at naging bahagi din ako ng SUMAKAH Festival na inilaban sa national competition na gaya ng Aliwan, nagsulputan din ang mga business establishments gaya ng Max, Shopwise, National Bookstore, ilang branches ng Mercury Drugstore at iba pa. Umusbong narin ang mga realty corporations gaya ng Maia Alta at Avida dahilan upang lalong lumaki ang populasyon ng bayan mula around 400,000 noong 1997 na ngayon ay nasa humigit kumulang 800,000 ayon sa huling bilang noong 2007. Sa pagdami ng tao ay dumami din ang oportunidad ng kabuhayan at employment dahilan upang lumakas ang kita ng pumapasok na buwis. Sa panahong ding ito umigting ang seguridad ng bayan at nagkaroon ng isang malaking piitan sa may Baranggay San Jose. At dahil sa masidhing pagnanais ni ACG na makapag aral ang lahat ng kabataan sa Antipolo, ipinatupad niya ang libreng edukasyon para sa basic years of education. Ibigsabhin, naging libre ang matrikula pati mga gamit sa eskwela. Naalala ko pa nun na ginagawa lang naming songhits at autograph book ang mga notebook ni ACG. At mga bag naman na ipinamimigay ay ginagamit lang ng mga tatay ng estudyante. Medyo baduy kasi. Hehe. Sa ganitong adhikain apat na beses kinilala si Mayor Lito Gatlabayan bilang Most Outstanding Mayor of the Philippines in Literacy ni Pangulong GMA. Katuwang naman ang kanyang asawang si Josefina Gatlabayan, kinilala ang Antipolo bilang Cleanest & Greenest Component City in the Philippines Gawad Pangulo sa Kapaligiran ni PGMA at ng DENR noong 2005.

Tinamad na kong isama ang iba pang pagkilala at tagumpay na natamo ng bayan ng Antipolo sa panahon ni ACG. So ibigsabhin, ito ay ilan lamang sa mga bagay na kapansin-pansin na naganap sa Antipolo City. May mga nagsasabi na natural lamang at dapat lang naman talagang mangyari ang mga bagay na ito dahil tatlong beses ba namang naluklok si ACG. Sa ganitong konklusyon, malinaw na si ACG ay isang Working Mayor. Gumalaw ang Antipolo. Ako mismo ay buhay na saksi sa paggalaw na iyon. Wala naman akong personal na ugnayan kay dating Mayor at hindi rin naman ako nagtrabaho sa munisipyo o nagsilbi bilang government employee sa anomang paraan. Ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maka-kwentuhan man lang si ACG. Pero nagsasalita ako bilang isang pangkaraniwang indibidwal na nakasaksi ng positibong kaganapan sa sarili kong bayan. Sabihin na nating, pagkilala lamang ito. At walang sino man ang makakapagsabi sa kin na hindi umunlad ang bayan ng mga panahong yun.

Kaya nga nagulat ako nang sumakabilang buhay si Hon. Vic Sumulong at humalili sa pwesto si Leyble, ay parang naiba ang lahat. Isang mabuting tao naman si Mayor Nilo Leyble ayon sa opinyon ng ilang tao na nakatrabaho siya. Bago dumating ang eleksyon, nakiusap si Leyble kay ACG na siya muna ay bigyang pagkakataong tumakbo bilang Mayor. Sa pakiusap na ito, hiniling ni Leyble na manatili muna sa kongreso si ACG. Ang layunin umano ni Leyble ay upang hindi magwatak-watak ang bayan ng Antipolo at nang hindi sila magkasagupa sa eleksyon. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Pero nagsilabasan ang mga balita tungkol sa pagbaligtad ng mga dating supporters ni ACG partikular ang hanay ng mga kababaihan mula sa AGLA (Antipolo Green Ladies Association) na nawalan ng programa sa panahon ni Sumulong. Karamihan umano sa mga kasapi ng nasabing samahan ay lumipat sa NILO o Newly Integrated Ladies Association bunsod ng ilang di pagkakaunawaan sa pagitan ng samahang AGLA at ni ACG. Habang papalapit ang halalan, gaya ng nabanggit ko, unti-unting umugong ang balita patungkol sa pagbaligtad ng ilang dating supporters ni ACG. Ayon sa Leyble mismo, 12 out of 16 Punong baranggay at 14 out of 16 na konsehal naman ang umanoy nagpahayag ng suporta sa kanya. Hindi pa kabilang dito ang majority ng transport, business at religious groups.


Hindi ko alam ang naging pulso ng Antipolenyo hinggil sa ibat-ibang kwento na umikot sa kapitolyo ng Antipolo. Wala akong kumpletong detalye sa buong istorya kung bakit naiba ang ihip ng hangin. May nakapagsabi din na si ACG umano ay naging bahagi ng ilegal na droga, isang uri ng kwento na hindi ko mahanapan ng basehan. At nalaman ko rin ang isyu tungkol sa malaking halaga na inutang ng administrasyong Sumulong upang makapagpagawa ng mga eskwelahan, hospital, sports center, housing projects at pagpapasaayos ng munisipyo. Kasama sa pangungutang na ito si ACG nang siya ay maluklok bilang Congressman ng 2nd District. Humigit kumulang 1 bilyon ang naiwang utang ng bayan ng Antipolo ng humalili na sa pwesto bilang alkalde si Leyble. At hanggang sa panahong ito, for the record ay hindi pa naman nagdagdagan ang utang na iyon bunsod na rin sa hangarin ni Leyble na bayaran muna ang mga naiwang utang ng naunang administrasyon (Administrasyong Sumulong).


Hindi ko naman layunin sa puntong ito na alamin kung sino ang mas nakabubuting lider ng aking bayan. Marahil gusto ko lang kilalanin sa usaping pulitikal ang mga bagay na naganap sa panahon na namulat ako sa pagbabago ng Antipolo. Gayun din naman, kasabay ng pagbabago ang pagdating ng mga bagong kwento, bagong opinyon at mga bagong desiyon. Nakakalungkot isipin na nawalan ako ng pagkakataong bumoto. Pero sapat narin kahit papaano ang maimpluwensiyahan mo ibang tao upang sila ay makagawa ng tamang desisyon, anu mang desiyon iyon.

Miyerkules, May 12 idineklara ng local COMELEC si Danilo Leyble bilang lihitimong Mayor ng Antipolo City at si Susan Say bilang Vice Mayor. 
----------------------------------------------------
*special thanks to Antipolo Star

Thursday, April 29, 2010

Gotta Kill Them All.. JEJEMON!

Habang pinag-uusapan namin ni Rosh, ka-OJT ko sa isang production house, ang nakaraan kong pag-ibig (hehehe) ay nabanggit niya ang isang kakatwang term. Katunog kasi iyon ng pangalan ng taong pinag-uusapan namin. Una inakala ko imbento niya lang. Pero as time goes on, nadiskubre ko na meron nga pala talagang ganoong salita. Ang nakakatawa pa, hindi rin alam ni Rosh mismo na unti-unti naring pumapatok ang ang salitang JEJEMON.

Eh ano nga ba ang "jejemon"? 
 Narito ang ilang kasagutan mula sa urbandictionary.com:

1) Usually seen around social networking sites such as Friendster and Multiply, jejemons are individuals with low IQs who spread around their idiocy on the web by tYpFing LyK diZS jejejeje, making all people viewing their profile raise their eyebrows out of annoyance. Normal people like you and me must take a Bachelor of Arts in Jejetyping in order to understand said individuals, as deciphering their text would cause a lot of frustration and hair pulling.

CAUTION: THESE INDIVIDUALS ARE BREEDING! THEY CAN BE SEEN WRECKING GRAMMATICAL HAVOC ON FACEBOOK TOO!

2) Jejemons are not just confined to trying-hard Filipino gangsters and emos. A Jejemon can also include a variety of Latino-Hispanic fags who enjoy typing "jejejejeje" in a wider context, much to the disdain of their opponents in an internet MMORPG game such as Ragnarok and DOTA.

3) Basically anyone with a low tolerance in correct punctuation, syntax and grammar. Jejemons are usually hated or hunted down by Jejebusters or the grammar nazi to eradicate their grammatical ways.
On AIM or YM:

miSzMaldiTahh111: EoW pFuOh!

You: Huh?

miszMaldiTahh111: i LLyK tO knOw moR3 bOut u, PwfoH. crE 2 t3ll mE yur N@me? jejejejeje!

You: You are a jejemon! Don't talk to me, you uneducated retard!

miszMaldiTahh111: T_T

Isa pang meaning ng JEJEMON:

- a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh..
whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS JEJEMON.

- (noun or adj.)---a person who is very expert in typing..
- a person that nevr gets tired of typing consonants in all of his comments...
- people with very LOW IQ
- a person that destroys the morale of language in any typing media like internet,cellphones...etc...
- a person you want to fuck off and kill
- an emo/gangster who owns all the possible negative qualities of a person.

- is the derrogative term used for a certain categorized kind of people.They type JEJEJE or JEJEJE when they want to express laughing in written words, which happen more than often. This is why we call them jejes.
JEJE-Similar to hehehe but more like a naughty chuckle coming from the back of your throat.
For instance, used while plotting an evil plan.

EX. 1. I'm going to make that guy look like such a zaris..JEJEJE

ex. 2. "omg! my sister farted" jejeje
ex. 3. 3Ohw phOwh eVeR1yBhOodY! jejeje!
ex. 4. pFroUwd 2 b @ jEJ3mOn!

WHAT ARE THE SIGNS OF JEJEMON PEOPLE?

Sign that it is a jeje you are dealing with is that he (they are most commonly masculine) seems to have low intelligence.
This is because
1. they can not express themselves in the English language as good as an average person
2. it seems that their kind is simply dumber.
3. Their names are also often begun with "El" then followed with a random spanish or portuguese word.
4. they put too much letters and symbols in everyword they say even in their god damn NAMES or ALYASES.
Another usage of JEJEMON:
A pejorative term most middle to high-class Filipino teens use to refer to their poor countrymen who dress up as 'GaNgZtaHz' and use txt language. What the upper class fail to see is that these Jejemons do not know any better and that's caused by their inherent poverty.

The elite and affluent, not to mention spoiled teens find yet another way to degrade their already impoverished brethren. Instead of helping the trampled, the high-class Filipino teens jeer at the destitute who they know can't afford the luxurious taste they have. Of course, they cover this up by volunteering in charitable works just to show that they are impeccable and far better than the so-called Jejemons.

This just goes to show how divided the Filipino people are. Social classes will never break boundaries because the discriminatory elites will never accept the poor in their society as equals.
Rich boy: Hey look! A Jejemon! Look at how he types and dresses.
Rich girl: Yeah, it's a good thing we have rich parents. Hey, let's go to Zara, Mango and Topshop, I wanna buy gladiator sandals.
Rick boy: You already have about 20 pairs!
Rich girl: Look at that disgusting Jejemon...He's been looking at me the whole time.
Rich boy: That's 'coz you're wearing short shorts and exposing your shaved mestiza legs. But I don't really mind.
Straight from GMA News and Public Affairs:

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Pero in short, kung JEJEMON ka man o hindi, wala akong pakialam. Patuloy pa rin ang climate change.
PS: "Pababalikin ko ang mga Jejemon sa elementarya." -GIBO
For more info, visit http://jejemon.com/ 




















Wednesday, April 28, 2010

UPUAN

Habang pagala-gala ako sa Facebook, namataan ko ang isang video mula sa YouTube. Ang pamagat ay may kinalaman sa mga "ex". Pinanuod ko sandali. At kung totoo man ang kwentong ito, pwes talagang lahat ng bagay ay nagaganap ng may kadahilanan. Walang aksidente. Nakatakda lang talaga.

Tuesday, April 20, 2010

The Big Shift

Oo naman blogger ako.

Mula ng matutunan ko mag friendster, na-excite na ko lagi tumambay sa mga computer shop nun para mag-internet tuwing pagkatapos ng klase. Friendster ang unang community site kung saan ako nagkaroon ng account o "profile". Iyon kasi ang unang sumikat na networking site. Kasabay noon ay natutunan ko na rin mag YM, sumali sa mga chatrooms ng mga ignoranteng pinoy na namangha sa galing ng pagcha-chat, mag search sa Yahoo at pumunta sa ibat-ibang website. 

Wala naman din akong pormal na edukasyon sa computer kaya ang lahat sariling sikap ko lang. Sa tuwing magha-hang yung PC na gamit ko, tinatawag ko lang yung tao sa may server. Tapos panonoorin ko lang kung ano abng gagawin niya para bumalik sa dati yung computer. Ngayon ko lang narealize na kaya pala nagha-hang ang gamit kong PC ay dahil sa dami ng Internet Explorer na binubuksan ko. Hindi ko pa alam ang paggamit ng Exit, Minimize at Enlarge. Sa ganoong paraan ng trial and error natutunan ko ang paggamit ng Internet at unti-unting natuklasan ang hiwaga ng World Wide Web.

Di nagtagal, kalagitnaan ng 2005 nadiskubre ko ang blog sa friendster. Ayon sa unang tala ko, sa LiveJournal ako unang nagkaroon ng blog na sa ngayon ay hindi ko na matandaan ang access. Simula noon naging permanenteng personal blog ko na ang NOSTALGIA. Dahil mas ina-access ang friendster, napansin ko na mas maraming opportunity for exposure ang blog na yon. Ang NOSTALGIA ay parang journal ko lang na nakapublish via internet. Madalas ang laman noon ay puro mga kadramahan ko sa buhay, mga sanaysay tungkol sa kasalukuyan kong nararamdaman, mga bagay na madalas hindi verbally napag-uusapan, mga kwento, tula, o kahit anong tumatakbo sa isip ko na nais kong lang ilabas. Meron ding mga pangyayari, maaring pangyayari sa mga taong nasa paligid ko o tungkol lang sa akin mismo. Sa NOSTALGIA wala akong pakialam kung tumaas ang presyo ang langis or kung ilang aktibista ang nasalubong ko sa PUP. Wala akong pakialam kung nanalo ba ulit si Pacquiao o kung magugunaw na bukas ang mundo. Hindi iyon isang magazine. Sabihin nalang natin na iyon ay dokumentaryo ng aking buhay. Minsan naglalagay ako ng entry hindi para ibahagi sa ibang tao, kundi para lang may maitala ako at may mabasa sa mga darating na araw. Sa madaling sabi, isang magandang paraan ang pagbisita sa NOSTALGIA na para makilala akong mabuti.

Halos limang taon na rin akong nabla-blog sa friendster at nauso na rin ang pagamit ng blog. Dumami ang mga users ng blogspot at LiveJournal at kahit sa Tagged at Multiply naglagay narin ng blog. Dumadami na kasi ang madaldal at isang malaking pagkakataon ang paggamit ng blog para sa mga taong maraming gustong sabihin. Bastat masipag kang mag update at marami kang maibabahagi welcome na welcome ka sa mundo ng mga bloggers. 

Pero may napansin akong malaking problema sa friendster blog. Hindi ko kontrolado ang mga taong pumupunta sa site. Ibigsabihin, may account ka man sa friendster or wala, bastat naka public ang entry mo, mababasa ng kahit sino. Kung titingnan ang NOSTALGIA, mukha itong tahimik na blog. Walang nagpapalitan ng komentaryo, walang diskusyong mahaba, walang kontrobersya. Pero nagugulat nalang ako dahil bigla nalang babanggitin ng isa kong kaibigan ang isa kong post. Madalas yung mga tao na hindi mo inaakalang nagbabasa ng blog ay suki mo pala. Sa paggawa ko ng mga entries minsan hindi ko na iniisip kung maiintindihan ako. Pero nakakabigla nalang talaga dahil may mga tao na nakakainitndi pa rin ng ibig kong sabihin. Iyon ang isa sa hindi ko makontrol sa frienster blog. Minsan dumating sa pagkakataon na nagtala ako sa NOSTALGIA ng isang kontrobersyal na forum na nagmula sa isa sa mga videos ko sa Facebook. Nagulat nalamang ako isang araw dahil nakaabot sa kinauukulan ang entry kong iyong sa NOSTALGIA. Hindi ko alam kung sino ang nag access, nag print at nagbigay ng friendster blog entry na iyon sa kinauukulan. Pero isa lang ang sigurado ako, kilala ko siya marahil at nasa paligid ko lang siya. Walang widget for "followers" ang friendster blog kaya wala kang alam kung sino ang nakakapagbisita or kung sino ang nakakapagbasa ng mga post mo. In short, isa siyang website na open for the public. As long as alam mo yung link, makikita mo ang blog. May lugar para mag comment pero walang option para i-link ang comment sa profile ng nag comment. At dahil sa bumaba ang trend ng friendster dahil sa paglutang ng Facebook, Twitter at umblr, napansin ko na mas tumahimik ang site. Maliban lang sympre kung pinost ko ang link ng entry sa FB profile ko.

Naisip ko lang siguro na panahon na sa kin para baguhin ang takbo ng pagbla-blog. Pananatilihin ko ang NOSTALGIA bilang personal blog na naglalaman ng mga bagay na para sa kin ay personal. At gagawin ko namang reality-based magazine site ang MGA DAKILANG ARAW. Ang tapang di ba. Hahaha. Huwag kang mag expect. Kasi expectations usually bring disappointment. Nang mga nagdaang panahon, dumami ang mga bagay na ginusto kong itala at ibahagi sa tao na kung ilalagay ko sa NOSTALGIA ay magmumukhang langaw sa isang masarap na ice cream. Mga obserbasyon sa paligid. Mga katotohanan. Mga opinyon. Mga karanasan. Siguro mas masasayang karanasan. Susubukan ko lang naman.

Oo susubukan ko lang.

Pag tumagal ng ilang taon gaya ng NOSTALGIA, ibigsabihin ginagawa ko na.