Oo naman blogger ako.
Mula ng matutunan ko mag friendster, na-excite na ko lagi tumambay sa mga computer shop nun para mag-internet tuwing pagkatapos ng klase. Friendster ang unang community site kung saan ako nagkaroon ng account o "profile". Iyon kasi ang unang sumikat na networking site. Kasabay noon ay natutunan ko na rin mag YM, sumali sa mga chatrooms ng mga ignoranteng pinoy na namangha sa galing ng pagcha-chat, mag search sa Yahoo at pumunta sa ibat-ibang website.
Wala naman din akong pormal na edukasyon sa computer kaya ang lahat sariling sikap ko lang. Sa tuwing magha-hang yung PC na gamit ko, tinatawag ko lang yung tao sa may server. Tapos panonoorin ko lang kung ano abng gagawin niya para bumalik sa dati yung computer. Ngayon ko lang narealize na kaya pala nagha-hang ang gamit kong PC ay dahil sa dami ng Internet Explorer na binubuksan ko. Hindi ko pa alam ang paggamit ng Exit, Minimize at Enlarge. Sa ganoong paraan ng trial and error natutunan ko ang paggamit ng Internet at unti-unting natuklasan ang hiwaga ng World Wide Web.
Di nagtagal, kalagitnaan ng 2005 nadiskubre ko ang blog sa friendster. Ayon sa unang tala ko, sa LiveJournal ako unang nagkaroon ng blog na sa ngayon ay hindi ko na matandaan ang access. Simula noon naging permanenteng personal blog ko na ang NOSTALGIA. Dahil mas ina-access ang friendster, napansin ko na mas maraming opportunity for exposure ang blog na yon. Ang NOSTALGIA ay parang journal ko lang na nakapublish via internet. Madalas ang laman noon ay puro mga kadramahan ko sa buhay, mga sanaysay tungkol sa kasalukuyan kong nararamdaman, mga bagay na madalas hindi verbally napag-uusapan, mga kwento, tula, o kahit anong tumatakbo sa isip ko na nais kong lang ilabas. Meron ding mga pangyayari, maaring pangyayari sa mga taong nasa paligid ko o tungkol lang sa akin mismo. Sa NOSTALGIA wala akong pakialam kung tumaas ang presyo ang langis or kung ilang aktibista ang nasalubong ko sa PUP. Wala akong pakialam kung nanalo ba ulit si Pacquiao o kung magugunaw na bukas ang mundo. Hindi iyon isang magazine. Sabihin nalang natin na iyon ay dokumentaryo ng aking buhay. Minsan naglalagay ako ng entry hindi para ibahagi sa ibang tao, kundi para lang may maitala ako at may mabasa sa mga darating na araw. Sa madaling sabi, isang magandang paraan ang pagbisita sa NOSTALGIA na para makilala akong mabuti.
Halos limang taon na rin akong nabla-blog sa friendster at nauso na rin ang pagamit ng blog. Dumami ang mga users ng blogspot at LiveJournal at kahit sa Tagged at Multiply naglagay narin ng blog. Dumadami na kasi ang madaldal at isang malaking pagkakataon ang paggamit ng blog para sa mga taong maraming gustong sabihin. Bastat masipag kang mag update at marami kang maibabahagi welcome na welcome ka sa mundo ng mga bloggers.
Pero may napansin akong malaking problema sa friendster blog. Hindi ko kontrolado ang mga taong pumupunta sa site. Ibigsabihin, may account ka man sa friendster or wala, bastat naka public ang entry mo, mababasa ng kahit sino. Kung titingnan ang NOSTALGIA, mukha itong tahimik na blog. Walang nagpapalitan ng komentaryo, walang diskusyong mahaba, walang kontrobersya. Pero nagugulat nalang ako dahil bigla nalang babanggitin ng isa kong kaibigan ang isa kong post. Madalas yung mga tao na hindi mo inaakalang nagbabasa ng blog ay suki mo pala. Sa paggawa ko ng mga entries minsan hindi ko na iniisip kung maiintindihan ako. Pero nakakabigla nalang talaga dahil may mga tao na nakakainitndi pa rin ng ibig kong sabihin. Iyon ang isa sa hindi ko makontrol sa frienster blog. Minsan dumating sa pagkakataon na nagtala ako sa NOSTALGIA ng isang kontrobersyal na forum na nagmula sa isa sa mga videos ko sa Facebook. Nagulat nalamang ako isang araw dahil nakaabot sa kinauukulan ang entry kong iyong sa NOSTALGIA. Hindi ko alam kung sino ang nag access, nag print at nagbigay ng friendster blog entry na iyon sa kinauukulan. Pero isa lang ang sigurado ako, kilala ko siya marahil at nasa paligid ko lang siya. Walang widget for "followers" ang friendster blog kaya wala kang alam kung sino ang nakakapagbisita or kung sino ang nakakapagbasa ng mga post mo. In short, isa siyang website na open for the public. As long as alam mo yung link, makikita mo ang blog. May lugar para mag comment pero walang option para i-link ang comment sa profile ng nag comment. At dahil sa bumaba ang trend ng friendster dahil sa paglutang ng Facebook, Twitter at umblr, napansin ko na mas tumahimik ang site. Maliban lang sympre kung pinost ko ang link ng entry sa FB profile ko.
Naisip ko lang siguro na panahon na sa kin para baguhin ang takbo ng pagbla-blog. Pananatilihin ko ang NOSTALGIA bilang personal blog na naglalaman ng mga bagay na para sa kin ay personal. At gagawin ko namang reality-based magazine site ang MGA DAKILANG ARAW. Ang tapang di ba. Hahaha. Huwag kang mag expect. Kasi expectations usually bring disappointment. Nang mga nagdaang panahon, dumami ang mga bagay na ginusto kong itala at ibahagi sa tao na kung ilalagay ko sa NOSTALGIA ay magmumukhang langaw sa isang masarap na ice cream. Mga obserbasyon sa paligid. Mga katotohanan. Mga opinyon. Mga karanasan. Siguro mas masasayang karanasan. Susubukan ko lang naman.
Oo susubukan ko lang.
Pag tumagal ng ilang taon gaya ng NOSTALGIA, ibigsabihin ginagawa ko na.
No comments:
Post a Comment