Monday, February 20, 2012

Lumayo Ka Nga Sa Akin, Rebyu-rebyuhan

Wala naman sa plano ko bumili ng bagong libro. Nagawi lang kami ng ate ko sa bagong tayong National Bookstore sa may bayan ng Antipolo. Una kong pinupuntahan sa book section eh ang mga libro ng Pugad Baboy, Jessica Zafra, at iba pang pinoy writers pero makatawag pansin ang bagong libro na gawa ni Bob Ong, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin. Tunog rehash mula sa isang sikat na OPM song ang title ng bagong libro na may mala-tipikal na pocketbooks cover.

Speaking of rehash, yun nga pala talaga ang punto ng libro. Rehash, mash-up, re-make at cover! Walang ibang ginawa si Bob Ong sa kanyang ika-siyam na libro kundi ang magpatawa habang naglalahad ng mga realidad na hindi madalas napapansin ng marami sa ating noypi: kung ilang oras ang nasasayang sa atin sa kapapanood ng mga soap opera na recycle naman ang kwento (eg. love triangle, mayaman si girl, mahirap si boy), kung bakit laging may sponsor na pinapakita sa mga pelikula na wala namang kinalaman sa kwento, kung paano tayo tinatanggalan ng common sense ng ilang pinoy action and horror movies, kung paano tayo nadadala ng TV host sa tuwing sumisigaw sila sa kanilang mga variety-party show, kung paano tayo nabibiktima ng mga text votes, kung gaano tayo ka-pathetic sa paggamit ng social media, kung paano tayo naiimpluwensyahan ng kulturang banyaga na hindi natin napapansin sa musika, sining, film, maging sa libro, kung paano nahuhubog ng unlitext, pick-up lines, jejemon, planking, Pinoy Henyo, Showtime, Angry Birds at Twitter ang bagong henerasyon. Sa katunayan, wala pang ibang libro na nagpa halakhak sa kin tulad nito. Yep. Pwamis.

May tatlong kwento ang Lumayo Ka Nga Sa Akin, parang anthology na trilogy. 

Una ang Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat na pinagbibidahan nila Diego at Divina Tuazon, isang romantic/action film ang kwento. Maraming katotohanan ang binanggit dito, kung paano nagiging identity natin ang pagsuporta sa TV station, kung paano nagiging artista ang sikat at hindi sikat dahil artista, kung paano tayo naiinlove sa abs at kung bakit papuntang Tallest Mountain si Dora. Mayaman si Divina bilang leading lady at maiinlove sa kanya si Diego na leading man, may bed scene ang leading man at leading lady, may goons, may bida na hinahabol ng mga goons, may evil laugh ng mga goons, may warehouse ng mga bandido kung saan hinostage ang leading lady na ililigtas ng bida, may nagkapalitang attache case, tatakbo ang leading man hawak-hawak ang leading lady habang pinapaputukan pero di tatamaan. Ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano tayo giliw na giliw sa mga over rated na pelikulang pinoy na napanood na natin makailangan beses na mapa-aksyon, drama, love story o tweens.. blah blah blah...


Sample Clip:
BOS: Tawa ng nangingidnap?
BANDIDO 1-10:  Buwahahahahaha.
BOS: Tawa ng nangangarnap?
BANDIDO 1-10: Buwahahahaha.
BOS: Tawa ng nanghoholdap?
BANDIDO 1-10: Buwahahahahaha.
BOS: Magaling. Maari na tayo ngayong mag-umpisa ng ating aralin. Natapos na ba natin last time ang wastong pambabastos sa GRO?
BANDIDO 1-10: Sir, yes, sir!
BOS: Okay, very good. Next lesson, open your books to Chapter 9: Epektibong Rape Scene sa Batis.

The Epic Line:
"Ng underwear in public? Sino bang tao ang magsasabing 'Naku, buti na lang may billboard ng brief dito sa EDSA! Salamat at nakita ko. Makabili nga muna.'? -Divina


Pangalawag kwento ang Shake, Shaker, Shakest. Alam mo na yan, pelikula yan ni tita Lily. Dito nakapaloob kung paano ang mga reality show, talent show, talk show, mga nagsarang radio station ay nakakaapekto sa araw-araw nating life. Ito ay isang stupid na horror kwento ng isang stupid na pamilya na na-stranded sa isang stupid na haunted house, may nasapiang nagbabagong boses (pag sinapian, liliitan ba agad ang boses?), may mga dull scenes na trying hard na gagawing "scary" through pang-gulat na musical score, may manghuhula, may pangit na CGI, may anak na mareklamo.
Sample Clip:
MANG CARLOS: Good morning anak! Ano ang una mong reklamo for today?
ABY: Nakakainit ng ulo! Hindi na pala planet ngayon ang Pluto!
MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Earth?
ABY: Priority nila ang job creation pero papatol din sila sa free trade, e di lalo lang silang mamomroblema no'n. Nakakainis talaga ang US government!
MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Pilipinas?
ABY: Ten years nga lang, hirap ng iraos ng magulang, dadagdagan pa nila ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estudyante? Nakakaasar ang Philippine government!
MAR: Hindi ka ba makadampot ng ibang isyu na may kinalaman man lang sa kalagayan natin ngayon?
ABY: Ano ba problema nyo ni Daddy? Andami niyong angal, ang aga-aga puro kayo reklamo!


The Epic Line:
"Kung ano ang nakikita at naririnig natin sa araw-araw, nagiging 'yon tayo. Kinokondisyon tayo ng mga patalastas na hindi tayo masaya, na laging may kulang sa buhay natin. Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata." -MAR

Pangatlo at huling kwento ang Asawa ni Marie. Ang kwento ng Asawa ni Marie ay parang pakbet, espesyal, halo-halo ng mexicanovela, koreanovela at fantaserye. Walang ibang papasok sa isip mo kundi ang makasaysayang teleserye ni Thalia nung 90's. Yun ang peg ng pangatlong kwentong ito. May bidang ina-aapi. May kontrabidang mang-aapi sa bida. May love interest ang bida na mayamang lalaki. May asong nagsasalita sa isip. May paglalakbay. May rugs to riches. May paghihiganti. May sampalan. May flashback. May amnesia. May diary. Alam niyo na yang lahat!

Sample Clip 1:
MARIE: Kayo pala, Senyorita Avila. Magandang 5:57AM po sa inyo!
SENYORITA AVILA: Magandang 5:36AM din sa 'yo. Advanced ang relo mo.
MARIE: Uumpisahan nyo na po ba ang panlalait ng 5:37AM, Senyorita?
SENYORITA AVILA: Kailangan kong makarami.


Sample Clip 2:
MARIE: Ang hirap maging artista, 'no mahal ko? Hanggang sa pagtulog, nasa mukha natin ang spotlight.
SENYORITO LAPID: Buwan 'yan kunyari, mahal ko. Hindi kasi tayo makikita kung wala tayong ilaw.
MARIE: Sino ba talaga ngayon sa inyo ng kapatid ko ang kasintahan ko, mahal ko? Nalilito na kasi ako sa palabas natin.
SENYORITO LAPID: Huwag mong isipin 'yon. Oras ng hapunan ang time slot natin, busy ang mga manonood sa paghihimay ng isda. Iisipin nila, sila ang hindi nakakasunod sa kwento.
MARIE: Malungkot kaya ang kuya mo ngayon?
SENYORITO LAPID: Bakit mo naman naitanong?
MARIE: Wala lang. Kasi patay na si Senyorita Avila, di ba? 
SENYORITO LAPID: Huh? Ba't di ko alam 'yon?
MARIE: Sumilip ka kasi kagabi sa basketball, naka-miss ka ng episode.
SENYORITO LAPID: Whew! Sobrang bilis ng pacing natin!


The Epic Line:
"Pero at least tapos na tayo mag-sex at naipakita na natin ang impluwensya ng Hollywood." - Mharilyn

Sa kabuoan, sumasaklaw ang Lumayo Ka Nga Sa Akin sa tatlong bagay sa ating lipunan: media, kabataan at komersiyalismo. Nauubos ang sining. Nauubos ang value. Puro pera, puro instant gratification. Maari nga tayong mapatawa ng libro, ngunit sa bawat satirical dialogue na ibinabato ng bawat karakter ng bawat kwento ay isang makabuluhang mensaheng panggising sa bawat pinoy, lalo na sa kabataang pinoy, may kailangang baguhin sa lipunan. Natutulog ang lipunan. Rock n roll! Parteh-parteh!

Mabibili na ito sa suking National Bookstore at iba pang bookstore sa halagang Php175! Bawal manghiram! Ahihihi.




PS: Dear tito Bob, sana po ay 'wag niyo kong idemanda sa pag-quote ng ilang bahagi ng iyong libro. Hehehe.

 

No comments: