Wala naman sa plano ko bumili ng bagong libro. Nagawi lang kami ng ate ko sa bagong tayong National Bookstore sa may bayan ng Antipolo. Una kong pinupuntahan sa book section eh ang mga libro ng Pugad Baboy, Jessica Zafra, at iba pang pinoy writers pero makatawag pansin ang bagong libro na gawa ni Bob Ong, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin. Tunog rehash mula sa isang sikat na OPM song ang title ng bagong libro na may mala-tipikal na pocketbooks cover.
Speaking of rehash, yun nga pala talaga ang punto ng libro. Rehash, mash-up, re-make at cover! Walang ibang ginawa si Bob Ong sa kanyang ika-siyam na libro kundi ang magpatawa habang naglalahad ng mga realidad na hindi madalas napapansin ng marami sa ating noypi: kung ilang oras ang nasasayang sa atin sa kapapanood ng mga soap opera na recycle naman ang kwento (eg. love triangle, mayaman si girl, mahirap si boy), kung bakit laging may sponsor na pinapakita sa mga pelikula na wala namang kinalaman sa kwento, kung paano tayo tinatanggalan ng common sense ng ilang pinoy action and horror movies, kung paano tayo nadadala ng TV host sa tuwing sumisigaw sila sa kanilang mga variety-party show, kung paano tayo nabibiktima ng mga text votes, kung gaano tayo ka-pathetic sa paggamit ng social media, kung paano tayo naiimpluwensyahan ng kulturang banyaga na hindi natin napapansin sa musika, sining, film, maging sa libro, kung paano nahuhubog ng unlitext, pick-up lines, jejemon, planking, Pinoy Henyo, Showtime, Angry Birds at Twitter ang bagong henerasyon. Sa katunayan, wala pang ibang libro na nagpa halakhak sa kin tulad nito. Yep. Pwamis.
May tatlong kwento ang Lumayo Ka Nga Sa Akin, parang anthology na trilogy.
Una ang Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat na pinagbibidahan nila Diego at Divina Tuazon, isang romantic/action film ang kwento. Maraming katotohanan ang binanggit dito, kung paano nagiging identity natin ang pagsuporta sa TV station, kung paano nagiging artista ang sikat at hindi sikat dahil artista, kung paano tayo naiinlove sa abs at kung bakit papuntang Tallest Mountain si Dora. Mayaman si Divina bilang leading lady at maiinlove sa kanya si Diego na leading man, may bed scene ang leading man at leading lady, may goons, may bida na hinahabol ng mga goons, may evil laugh ng mga goons, may warehouse ng mga bandido kung saan hinostage ang leading lady na ililigtas ng bida, may nagkapalitang attache case, tatakbo ang leading man hawak-hawak ang leading lady habang pinapaputukan pero di tatamaan. Ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano tayo giliw na giliw sa mga over rated na pelikulang pinoy na napanood na natin makailangan beses na mapa-aksyon, drama, love story o tweens.. blah blah blah...
Sample Clip:
BOS: Tawa ng nangingidnap?
BANDIDO 1-10: Buwahahahahaha.
BOS: Tawa ng nangangarnap?
BANDIDO 1-10: Buwahahahaha.
BOS: Tawa ng nanghoholdap?
BANDIDO 1-10: Buwahahahahaha.
BOS: Magaling. Maari na tayo ngayong mag-umpisa ng ating aralin. Natapos na ba natin last time ang wastong pambabastos sa GRO?
BANDIDO 1-10: Sir, yes, sir!
BOS: Okay, very good. Next lesson, open your books to Chapter 9: Epektibong Rape Scene sa Batis.
The Epic Line:
"Ng underwear in public? Sino bang tao ang magsasabing 'Naku, buti na lang may billboard ng brief dito sa EDSA! Salamat at nakita ko. Makabili nga muna.'? -Divina
Pangalawag kwento ang Shake, Shaker, Shakest. Alam mo na yan, pelikula yan ni tita Lily. Dito nakapaloob kung paano ang mga reality show, talent show, talk show, mga nagsarang radio station ay nakakaapekto sa araw-araw nating life. Ito ay isang stupid na horror kwento ng isang stupid na pamilya na na-stranded sa isang stupid na haunted house, may nasapiang nagbabagong boses (pag sinapian, liliitan ba agad ang boses?), may mga dull scenes na trying hard na gagawing "scary" through pang-gulat na musical score, may manghuhula, may pangit na CGI, may anak na mareklamo.
Sample Clip:
MANG CARLOS: Good morning anak! Ano ang una mong reklamo for today?
ABY: Nakakainit ng ulo! Hindi na pala planet ngayon ang Pluto!
MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Earth?
ABY: Priority nila ang job creation pero papatol din sila sa free trade, e di lalo lang silang mamomroblema no'n. Nakakainis talaga ang US government!
MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Pilipinas?
ABY: Ten years nga lang, hirap ng iraos ng magulang, dadagdagan pa nila ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estudyante? Nakakaasar ang Philippine government!
MAR: Hindi ka ba makadampot ng ibang isyu na may kinalaman man lang sa kalagayan natin ngayon?
ABY: Ano ba problema nyo ni Daddy? Andami niyong angal, ang aga-aga puro kayo reklamo!
The Epic Line:
"Kung ano ang nakikita at naririnig natin sa araw-araw, nagiging 'yon tayo. Kinokondisyon tayo ng mga patalastas na hindi tayo masaya, na laging may kulang sa buhay natin. Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata." -MAR
Pangatlo at huling kwento ang Asawa ni Marie. Ang kwento ng Asawa ni Marie ay parang pakbet, espesyal, halo-halo ng mexicanovela, koreanovela at fantaserye. Walang ibang papasok sa isip mo kundi ang makasaysayang teleserye ni Thalia nung 90's. Yun ang peg ng pangatlong kwentong ito. May bidang ina-aapi. May kontrabidang mang-aapi sa bida. May love interest ang bida na mayamang lalaki. May asong nagsasalita sa isip. May paglalakbay. May rugs to riches. May paghihiganti. May sampalan. May flashback. May amnesia. May diary. Alam niyo na yang lahat!
Sample Clip 1:
MARIE: Kayo pala, Senyorita Avila. Magandang 5:57AM po sa inyo!
SENYORITA AVILA: Magandang 5:36AM din sa 'yo. Advanced ang relo mo.
MARIE: Uumpisahan nyo na po ba ang panlalait ng 5:37AM, Senyorita?
SENYORITA AVILA: Kailangan kong makarami.
Sample Clip 2:
MARIE: Ang hirap maging artista, 'no mahal ko? Hanggang sa pagtulog, nasa mukha natin ang spotlight.
SENYORITO LAPID: Buwan 'yan kunyari, mahal ko. Hindi kasi tayo makikita kung wala tayong ilaw.
MARIE: Sino ba talaga ngayon sa inyo ng kapatid ko ang kasintahan ko, mahal ko? Nalilito na kasi ako sa palabas natin.
SENYORITO LAPID: Huwag mong isipin 'yon. Oras ng hapunan ang time slot natin, busy ang mga manonood sa paghihimay ng isda. Iisipin nila, sila ang hindi nakakasunod sa kwento.
MARIE: Malungkot kaya ang kuya mo ngayon?
SENYORITO LAPID: Bakit mo naman naitanong?
MARIE: Wala lang. Kasi patay na si Senyorita Avila, di ba?
SENYORITO LAPID: Huh? Ba't di ko alam 'yon?
MARIE: Sumilip ka kasi kagabi sa basketball, naka-miss ka ng episode.
SENYORITO LAPID: Whew! Sobrang bilis ng pacing natin!
The Epic Line:
"Pero at least tapos na tayo mag-sex at naipakita na natin ang impluwensya ng Hollywood." - Mharilyn
Sa kabuoan, sumasaklaw ang Lumayo Ka Nga Sa Akin sa tatlong bagay sa ating lipunan: media, kabataan at komersiyalismo. Nauubos ang sining. Nauubos ang value. Puro pera, puro instant gratification. Maari nga tayong mapatawa ng libro, ngunit sa bawat satirical dialogue na ibinabato ng bawat karakter ng bawat kwento ay isang makabuluhang mensaheng panggising sa bawat pinoy, lalo na sa kabataang pinoy, may kailangang baguhin sa lipunan. Natutulog ang lipunan. Rock n roll! Parteh-parteh!
Mabibili na ito sa suking National Bookstore at iba pang bookstore sa halagang Php175! Bawal manghiram! Ahihihi.
PS: Dear tito Bob, sana po ay 'wag niyo kong idemanda sa pag-quote ng ilang bahagi ng iyong libro. Hehehe.
Monday, February 20, 2012
Lumayo Ka Nga Sa Akin, Rebyu-rebyuhan
Labels:
bob ong,
book,
book review,
Lumayo Ka Nga Sa Akin,
pop culture,
review,
satirical
Thursday, August 25, 2011
10 Zombatanong For Raymond Lee
Isang linggo nalang at nalalapit na ang pagsalakay ng mga zombing vacler! At masaya akong nainterview ang may pakana ng lahat ng kabadingang itey --- si Raymond Lee!
1. Saan galing ang konsepto ng a)Zombadings (Gay zombies) at b) Maligno na ala macho dancers?
7. Ano ang feeling na kasabay ni Remington ang pelikula ng Star Cinema na isang mainstream film (Wedding Tayo, Wedding Hindi)?
![]() |
| With Zombadings's writer Raymond Lee at UP Film Institute screening, Aug 9, 2011 |
a) Nag-evolve siya mula sa konsepto ng movie. nagsimula sa premise na what if may isang batang lalaki na walang ginawa kundi mang-asar ng mga bakla, tapos sinumpa siyang maging bakla paglaki niya? mula dun ipinanganak ang marami pang elements ng story, isa na ro'n ang gay zombies.
b) Idea ni jade (castro, director). tanong niya, ano kaya para sa isang straight guy ang nakakatakot na anyo, manifestation, o off-shoot ng homoeroticism?2. Base sa trailer, bakit naging isang sumpa ang pagiging bading sa bidang si Remington?
Isang baklang napikon sa mapanglait na batang remington ang nagsumpa sa kanyang maging bakla siya paglaki niya3. Bakit si Marian Rivera ang albularyo?
'Yun ang role na nagfit sa schedule niya. nagvolunteer siya to do a cameo, for the love of her kinakapatid sa manager, si Martin Escudero.4. Ano-ano ang mga salik (factors/influences) ang iyong ginamit upang mabuo ang kwento ni Remington?
Mainly ang love ko for movies.5. Bakit mga babae ang gumanap na pulis at mayor?
Bakit hindi?6. Ano ang pinaka- nakakalokang parte or eksena para sa iyo sa ginawa ninyong pelikula?Seriously, may ganitong gender-bending sensibility at playfulness thorughout the movie which reflects our own thinking about gender - mainly that it's fluid.
Meron, pero spoiler, e!
7. Ano ang feeling na kasabay ni Remington ang pelikula ng Star Cinema na isang mainstream film (Wedding Tayo, Wedding Hindi)?Nakakakaba syempre, pero focus na lang kami ngayon sa kung paano pa palalakasin ang awareness at interest sa movie namin, regardless of kung anong ibang movies ang kasabay. marami, e, bukod sa star cinema may mga hollywood movies din.8. Kailan ka unang nagmahal? Kailan mo nalaman na ikaw ay isang bading?
Unang nagmahal... antagal na... parang limot ko na hahaha! limot ko kung sino pero yung feeling tanda ko pa. bata pa lang ako alam ko na.9. Ano ang mensahe ni Remington para sa mga vaklush? at para sa lipunan?
... na masaya at masarap mabuhay - whether ikaw ay girl, boy, bakla, tomboy, bi-, les, trans, atbp!10. Noranian or vilmanian? Bakit?
Pareho! ang galing nila, e! Nanunuot, hindi makalimutan ang mga pagganap nila.Zombadings is a horror-comedy flick that will tickle your bones at whatever level of humor you may have! It promises a full-length of 100% laughtriff!! No wonder it received a GRADE of A from Cinema Evaluation Board. It will be shown in theaters nationwide this August 31! Definitely a must-see film this year!
Sunday, August 21, 2011
10 Questions From A Cinexpo 2011 Participant
The week before the CINEXPO 2011 arrive, I got so preoccupied by Remington's indie flick I totally forgot the once-i've-heard film making seminar which would be conducted by 2 giants in the Philippine cinema industry - Star Cinema & SM Cinema, which they call Anatomy of Film Making.
The Anatomy of Film making is a 3-day congress designed to provide film students and film enthusiasts the whats and the whys of film production starting off with the current state of local film industry, film appreciation, concept development and scripting, production proper up to promotions and digital marketing.

I was so unlucky that I was so so too much ever late (parang gago lang) to register, since they have began accepting names 2 weeks before hand. However, one of my co-advertising studs was able to get there and witness the 3-day seminar - meet Alfred Flores. Like me, Alfred is an audio-visual enthusiast who's into photography, film and digital arts. A shiftee from Department of Accountancy, he's also a self-proclaimed ramp model in the academic environment. I took the chance of his fresh feedback from the event, giving him 10 questions to answer regarding his entire Cinexpo experience.
1. How did you learn about Cinexpo 2011?
- Napanuod ko sa cable, haha tapos mga freinds ko sinabi din sakin baka daw interested ako.
2. Are you really interested in film-making upon joining the event or just curious about it, or a passion?
- Really interested. =D
3. Who came with you? Have you met new friends, from where?
- Solo flight. Wala akong nakilala. Pero may ibang taga PUP pero konti lang kami, ang madami UST, La salle lipa at UP.
4. What is the best thing in Cinexpo?
- The best part yung talk ni direk Olivia Lamasan. Very inspiring kasi talagang nagsimula sya ng walang alam. Di sya nagaral ng kahit ano for film, pero still gumawa sya ng paraan para magawa ng maayos yung work nya, and lagi nya sinasabi na always come prepared and do your assignment.
5. One you've learned from the event that haven't heard before.
- Yung di kailangan yung may alam ka na agad na marami technical side para maging isang filmmaker. Matututunan naman yun and kung nag-aaral ka naman sa flim school, iba pa rin daw ung sa mismong film making na, film making is a continuous learning, dapat alam mo ang nangyayari sa paligid mo, at kung anong kailangan ng tao, movie making ay para sa tao di lang sayo and last, "you should be a good story teller". Ilang beses kong narinig yan sa mga speakers.
6. How's the lootbag/s? =)
- Okay yung laman. Madami galing sa Pascual Lab.
7. Which part if your favorite? Something you think you can always remember.
- Favorite part ko pag yung talk na, specially, Director, Editor, DOP, and Promotion's talk. Very interesting din yung Digital Brand Management talk, kasi parang pwede syang gamitin sa Advertising.
8. Your regrets, any?
- Bukod sa di ko pagdadala ng SLR, hahaha... isa ko pang regret is yung na late ako nung 2nd day, at di ko naabutan yung script writer's talk. Pero di naman ganun ka-regret kasi di naman ako masyadong interested sa script writing.
9. Are you joining next time?
- Yes! gusto ko sumali ulit next year. =D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PS: Alfred is also a planking jejemon. =)
Wednesday, August 10, 2011
ZOMBADINGS Attack UP!
Halos isang taon na rin mula ng una naming mapanood ng mga kadorm ko ang trailer ng Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington sa YouTube. Walang mapaglagyan ang tawa namin, parang ROTF sa trailer pa lang. Kaya nagmatiyag akong maigi, oo nagmatiyag talaga ang term, para malaman kung kelan ang showing ng indie film na iyon. Nagtagal ng konte, ipinalabas sa Cinemalaya 2011 ang Zombadings bilang final showcase, at one week bago ang screening eh sold out na agad ang tickets para kay Remington. Kaka-sad.
Fortunately, dinala sa University of the Philippines Film Institute ang mga pelikula ng Cinemalaya 2011 at kasama rito ang Zombadings! Nagpa-reserve. Nag-text. Nagpareserve. Nagtext. Salamat kay Alex Poblete ng ticketing and reservations para sa kanyang considerations na kunin ang reserved tickets sa mismong araw ng palabas. 2008 pa nang huli akong tumapak sa UP Film Institute para sa premiere screening ng pelikulang Sagwan na naging kontrobersyal matapos ang ilang araw. At muli isa na namang historical day ang pagbisita sa Sine Adarna ng Universided ng Pilipinas.![]() |
| Paul from Writers Block while waiting for the film to start, posed like the character of Roderick Paulate which can be seen on tickets |
![]() |
| with Director Jade Castro |
Ganito yon - BWAHAHAHAHAHAHHAA!!
Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay breakthrough both sa Philippine independent and mainstream cinema. Isa itong uri ng pelikula na kumawala sa tradisyonal at kasalukuyang imahe nang paggawa ng sining pampelikula na nakakulong sa ilalim ng mga advertisers at income-based producers. Ang produksyong ito ay tahasang ekperimento sa makulay na buhay ng mga bakla na sinamahan ng kiliti, katatakutan, kalandian at realidad. Ito taliwas sa kultura na na-established ng mga nagdaang gay-themed indies na sumentro sa poverty porn or sexual fetishes. Hindi pa man ito ipinalabas sa nationwide screening, ang Remington itself, bilang isang produksyon at sining ay isa nang tagumpay. Sa madaling sabi, ang zombadings ay may tatlong descriptive words: Daring. Clever. Fresh.
Matapos ang pagtatanghal, nagkaroon ng pagkakataon ang mga audience para magtanong sa creators ng Zombadings, present sa screening ang writer na si Raymond Lee, ang direktor na si Jade Castro at ang dalawang lead stars na si Mark Escuderro at Kerbie Zamora. Medyo nose-bleeding ang ilang katanungan mula sa mga audience na mostly mga film students ng UP, pero di nagpakabog sila Raymond Lee at Jade Castro na pawang mga alumni din ng UP. Nagkaroon kami ng pagkakataon upang makabonding ng onte sila sir Raymond at Jade after ng forum.
![]() |
| A few audience left for the forum |
Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay ipapalabas sa mga sinehan ngayong August 31!
Sunday, July 31, 2011
Dakerkads
Hindi ko naman inakala na pumipila pala ng pagkatagal-tagala ang mga tao para makanood sa studio ng Eat Bulaga, ang longest-running noon-time variety show ng Pilipinas na #1 pa rin hanggang ngayon. Mapalad kaming nakapasok agad dahil kasali ang PUP sa Pinoy Henyo Inter-collegiate edition at ang department namin ang maglalaro.
Kasing liit lang ng isang regular cinema ang studio sa New Broadway Center.
Ang SOS ni Bossing! Haha! (Sandata On Sakuna)
Anim na pangulo na rin ng Pilipinas ang dinaanan ng Eat Bulaga at nito lang ay cinelebrate nila kanilang ang ika-32nd anniversary. Kasama ng mga ka-dept at isang kadorm, naki-shembot kami with the rest of the daberkads for 2 and a half hour. A fun experience.
Monday, July 25, 2011
ID Noon at Ngayon
Ito ang aking School ID. Isa yan sa mga highlight ng college life ko.
Technically, hindi na 'yan valid pero mula ng bumalik ako sa PUP, masaklap mang sabihin, 'yan pa rin ang ginagamit ko para makapasok sa gate. Buti nalang at hindi naman tinititigang mabuti ng mga sekyu ang ID ko dahil tiyak na maakusaahan akong gumagamit ng ID ng iba pag nagkataon. Makailang beses din nakwestyon ang aking pagkatao dahil sa ID na 'yan. Minsang ginamit ko 'to para kumuha ng pera sa LBC, nakipagtalo pa ko sa counter para lang makumbinsi na ako nga ang nasa picture at valid pa rin ang ID dahil iyon ang ginagamit ko sa school. Nagkataon namang aware ang taga LBC sa bagong ID ng PUP kaya pinagpawisan pa ko para lang mai-release ang pera. Nung araw na iyon kase, nawawala ko ang Postal ID na lagi kong gamit sa money transffer kaya napilitan akong ipaglaban ang aking dakilang PUP ID.

Minsan ko na ring ginusto ng bagong ID noong nakaraang first sem kaya nagpa-Lost ID ako sa student services ng paaralan. Iyon lang kasi ang tanging paraan para magkaroon ng bago at validated na ID. Pero para ka palang nahuli ng MMDA kapag magpapa-issue ng duplicate ID. Gagawa ka ng letter na nagso-sorry ka sa pagkawala, affidavit na totoong nawawala ang ID, papipirmahan sa guardian o parent, sa dean o chairperson, magbabayad ng penalty fee, then magpapa-sign sa legal office ng school, tapos sa guidance office, at ang huli ay balik sa Student Services, bago ka palang makakapag-pa-picture. But wait! There's more! Hindi ko pa nabanggit ang community service na ire-render mo ng mga 4 na oras.
May tatlong misteryo ang lumang ID na yan:
Ang Picture. Ilang pang-aalispusta at pagyurak ng aking pagkatao na ang naransan ko dahil sa picture ko sa ID. Haha. Pero kahit naman ako, ganon din ang opinyon. Huggard kasi ang proseso ng enrolment dati. World-record sa pagpapa-pila ang PUP. Pila dito, pila doon at akyat-baba sa mga hagdan. Nang turn ko na para magpapicture, nakaaway ko pa yung nasa likuran ko sa pila sa hindi ko na matandaang dahilan. Kaya yung pagkabadtrip ko sa kanya ay nagreflect sa picture. Dati ang background ng picture ay ang kulay ng college na eenrolan, taliwas ngayon na lahat ay white backgound na at wala na ring pangalan na hahawakan para magmukha kang wanted. At payat talaga ako dati. Mahirap nang idescribe yun.
Ang Student Number. Hanggang ngayon na graduating na ko, hindi ko pa rin alam kung ano ang tamang student number ko. Sa ID, 2K4-021935-1 pero ang lumalabas sa mga registration cards ko ay 2k4-021935-6. Hindi na ko narin ako nag-exert ng effort para alamin pa kung ano ang tama, hindi naman daw magiging malaking problema yun. Sabi lang.
Ang Barcode. Actually, si Noel na graduate ng IT sa school, ang nag-emphasize nyan sa kin. Ano nga ba ang barcode na makikita sa ilalim ng ID? Ito ba yung sistema para ma-validate kung authentic nga ang ID mo at hindi gawang Recto? Sabi ni Noel, diyan daw malalaman yung presyo mo pag pina-scan mo sa SM.
![]() |
| 6 year na pagbabago. |
Oo, marami nang napagdaanang pagsubok, pighati, pag-aalispusta at deskriminasyon ang luma kong ID mula sa mga kaklase ko, kachurch, katrabaho, kunduktor ng bus at jeep o ng taga LBC. Pero kahit gayun pa man, matayog pa rin ito. Matibay. Hindi natutuklap. Hindi kumukupas. Hindi na-Ondoy. Minsan nang nasama sa bag na nasnatch noong 2nd year ko, pero binalik naman sa kin makalipas ang tatlong araw. Proud ako sa ID na yan.
![]() |
| Bagong ID ng iskolar ng bayan. |
Ngayon, mas madali ang proseso ng pagkuha ng bagong ID. Hindi ka na gagawa ng anumang letter or magrerender ng community service. Tamang papirma nalamang sa mga kailangang tao at konting tyaga para makapila at makapagpa-picture sa limited edition na ICT na first 30 students lang ang pwedeng picturan kada MWF. At hanggang ngayon, ang bagong lay-out ng PUP ID, may barcode pa rin.
Sunday, June 26, 2011
ABS-CBN's Hadji Rieta Now A Kapuso
Hindi lang sa mga celebrity uso ang pagtawid bakod from their previous TV network to another. This phenomenon also happens even with the serious people of News and Public Affairs: Mel Tiangco, who's from ABS to GMA News. Erwin Tulfo from ABS to TV5, Aljo Bendijo from ABS to IBC 13, Karen Davila from GMA to ABS, Cheryl Cossim from ABS to TV5, and more. That is why considering these cases, it is not surprising to know what Al Hadjie Rieta did.
Al Hadjie Rieta is a former News Anchor of TV Patrol Laoag of ABS-CBN Northern Luzon. I met Al Hadj at the 1st I-witness Docuseminar held in SM Megamall on 2008 when he was still a student of Mass Communication in Northwestern University. Undeniably, he is a smart, dynamic and a proactive person.
| Me and Al Hadj at the 1st I-Witness Docuseminar |
On an interview with Media Newser Philippines, a leading weblog delivering news and opinions about the Philippine TV News, Al Hadj said that GMA had offered him an oppurtunity to be a national reporter. He said,
"I transferred to GMA-7 because there was an opportunity for me to be a national reporter. Lahat naman pangarap ito kaya when I learned na puwede I grabbed it already. ABS-CBN did offered me a national job, but I have to wait, eh ang GMA-7 ito na inaantay lang ako na mag-yes."
He added that he initially tried to apply in GMA News, so as I supposed, it wasn't really hard for him to accept the offer since it appears that his first interest belongs to Kapuso Network. His facebook became clamoured with different opinions from his "followers" about his decision in changing his news tribe. One of them posted,
"Sana hinintay nlang niya na mging national reporter s ABS-CBN..tama si ma'am eli, ang mga Pinoy 'd mrunong mkontento. Palipat-lipat gaya ng mga artista. Ba't di nila kyang mghintay? Suportahan nlang natin siya. He is an anchor/reporter in TV Patrol Ilocos and an Iglesia Ni Cristo member. "
When he was asked about working with the rival network ABS, he said,
"Nandun yung pakiramdam na nahihiya ka kasi siyempre sila yung unang nag-train sayo, pero ganun talaga eh. I compete sa trabaho naman, not personally."
I'm lucky Al Hadj granted me a brief interview this evening about joining the Kapuso News Team.
Anong masasabi mo sa opinyon ng ilang tao na ang paglipat mo from ABSCBN Laog to GMA News ay pagpapakita raw ng kawalan ng utang na loob?
Sa totoo nga napaka thankful ako sa ABS-CBN dahil ang laki ng itinulong nila para ma build ako. Nakakalungkot lang kasi sinasabi ng iba na walang utang na loob, hindi naman siguro ganoon, from the start naman the management (ABS-CBN Laoag) always reminds us na kung sa tingin namin e gusto namin mag grow i infrom lang namin sila, that's what I did and they gave me that chance.
What was the initial reaction of ABS-CBN team when you told them that you will be transferring to GMA news?
Nandun yung initial reaksyon na medyo dissappointed pero kalaunan they told me naman na they do respect my decision at masaya sila doon.
I never thought naman na rival station eh, kasi sa Laoag, ang TV Patrol ang nangunguna when it comes to newscast, so sa akin parang wala naman, kasi nga hindi naman masyadong ramdan doon sa amin yung competion with other TV networks (ABS-CBN - TV5).
Anong blessing or advantage ang dumating sayo in going to Kapuso Network? How about challenges?
Siguro masasabi kong blessing yung natupad yung isa sa mga pangarap ko to be a national reporter at GMA7 pa. The challenges would be yung takbo ng buhay dito sa Manila, I always naghahabol sa oras, yung parang napaka bilis ng oras dito. Although nakakasabay naman.
Whats new with Hadji now that he's a Kapuso News Correspondent?
New, siguro expect na maging mas mature pa ako sa trabaho.
-end of the interview-
Well, I don't see anything wrong from what he did. As one of the young individuals in the news and public affairs industry, it is still better to get the oppurtunity while it lasts. The "utang na loob" thing from the people who had helped you gain more knowledge and skills to do the job better should not be an objectional reason to accomplish higher goal and to step up. Afterall I think, Al hadj did his job very well while he's on the fences of ABS-CBN, so the Kapamilya news team has nothing to object on his choice of leaving from what he can consider as training ground in the actual field.
He added on my interview:
Sana yung mga nagsasabi ng hindi maganda or kung meron man, sana maintindihan nila. Ulitin ko, hindi naman ito isang kawalan ng utang na loob it's just that isa itong career movement.
Al Hadj envisions to be a part of the I-witness team in the next 5 years. His network debut at GMA Network happened last Friday, June 24 at 24 Oras. You can also see him on other GMA Newscast such as Balitanghali on NewsTV.
To al hadj, goodluck to your new endeavor and more power ka-Iwit! =)
Subscribe to:
Posts (Atom)



















