Wednesday, August 10, 2011

ZOMBADINGS Attack UP!


Halos isang taon na rin mula ng una naming mapanood ng mga kadorm ko ang trailer ng Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington sa YouTube. Walang mapaglagyan ang tawa namin, parang ROTF sa trailer pa lang. Kaya nagmatiyag akong maigi, oo nagmatiyag talaga ang term, para malaman kung kelan ang showing ng indie film na iyon. Nagtagal ng konte, ipinalabas sa Cinemalaya 2011 ang Zombadings bilang final showcase, at one week bago ang screening eh sold out na agad ang tickets para kay Remington. Kaka-sad.

Fortunately, dinala sa University of the Philippines Film Institute ang mga pelikula ng Cinemalaya 2011 at kasama rito ang Zombadings! Nagpa-reserve. Nag-text. Nagpareserve. Nagtext. Salamat kay Alex Poblete ng ticketing and reservations para sa kanyang considerations na kunin ang reserved tickets sa mismong araw ng palabas. 2008 pa nang huli akong tumapak sa UP Film Institute para sa premiere screening ng pelikulang Sagwan na naging kontrobersyal matapos ang ilang araw. At muli isa na namang historical day ang pagbisita sa Sine Adarna ng Universided ng Pilipinas.


Paul from Writers Block while waiting for the film to start,
posed like the character of Roderick Paulate which
can be seen on tickets
August 9, hindi kami binigo ni Remington. Kasama si Paul, isang kadorm na art-fanatic at si Jerald, isa ring film enthusiast, sinugod namin ang Diliman grounds. Nakipag-gitgitan sa toki jeep, at inilagaw ng aming inaamag na memorya. Kahit papano, natunton namin agad ang Film Institute. Hinintay muna namin lumubog ang araw bago nagkaroon ng pila. And the hell, muntik ng masira ng mga kasama namin sa pila ang gabi ko dahil sa kanilang "english accent" na hindi naman patok sa pop culture. Ika nga nila, manonood ka ba ng pelikulang pangmahirap kung ang bigkas mo sa lugar ay lhogarrr. Hindi ko alam kung sadya nga bang pinaghaharian na ng mga konyo ang UP or what. Namataan namin ang ilang pamilyar na mukha sa independent film industry gaya ni Cannes Awardee Brillante Mendoza. 


with Director Jade Castro
Guaranteed laugh trip ang Zombadings! Nagkaroon ng talkback bago magsimula ang pelikula upang ipakilala ang mga creators at ilang artista. Medyo hindi pa pulido sa audio ang copy na ipinilabas dahil kakatransfer lang umano ng pelikula to 35mm film. Oo, ang ingay at ang saya ng buong Sine Adarna ng gabing yon! Wala akong ibang matandaan kundi tawanan, sigawan, tilian at lundagan sa mga upuan na para bang puro bading nalang ang nanonood. Sa isang iglap, mayaman o mahirap, straight o hindi, nakatira man sa executive village o sa iskinita, pare-parehong ng tawa ang lahat - tawang pangmahirap! 
Ganito yon - BWAHAHAHAHAHAHHAA!!

Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay breakthrough both sa Philippine independent and mainstream cinema. Isa itong uri ng pelikula na kumawala sa tradisyonal at kasalukuyang imahe nang paggawa ng sining pampelikula na nakakulong sa ilalim ng mga advertisers at income-based producers. Ang produksyong ito ay tahasang ekperimento sa makulay na buhay ng mga bakla na sinamahan ng kiliti, katatakutan, kalandian at realidad. Ito taliwas sa kultura na na-established ng mga nagdaang gay-themed indies na sumentro sa poverty porn or sexual fetishes. Hindi pa man ito ipinalabas sa nationwide screening, ang Remington itself, bilang isang produksyon at sining ay isa nang tagumpay. Sa madaling sabi, ang zombadings ay may tatlong descriptive words: Daring. Clever. Fresh.


Matapos ang pagtatanghal, nagkaroon ng pagkakataon ang mga audience para magtanong sa creators ng Zombadings, present sa screening ang writer na si Raymond Lee, ang direktor na si Jade Castro at ang dalawang lead stars na si Mark Escuderro at Kerbie Zamora. Medyo nose-bleeding ang ilang katanungan mula sa mga audience na mostly mga film students ng UP, pero di nagpakabog sila Raymond Lee at Jade Castro na pawang mga alumni din ng UP. Nagkaroon kami ng pagkakataon upang makabonding ng onte sila sir Raymond at Jade after ng forum.



A few audience left for the forum

Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay ipapalabas sa mga sinehan ngayong August 31! 

No comments: