At last, kahit walang tulog at sunod-sunod ang naging mga pagrampa ngayong weekend, natuloy pa rin ang ultimate experience ngayong Saturday!
Kasama si friendshipJeremiah (who's on his way to Saudi next week) and Makito (a newly returned missionary), our feet were off to SM Megamall for the KASAMBUHAY HABAMBUHAY: A Short Film anthology, as part of the centennial celebration of Nestle Philippines.
Matao sa mega dahil Independence Day Sale din. Partida pa dahil 2 oras palang ang tulog namin ni maia. Quarter to 6PM ng makarating kami sa cinema lobby at mahaba na ang linya ng mga taong all set para sa 7:05 screening. So hindi na surprising ang dami ng tao na naghihintay. Sa may table ng ticket reception naka post ang..Ticket distribution for 9:30 screening will start on 7:30

Ilang saglit pa ang lumipas, pinalad kaming palihim na bigyan ng tatlong ticket ng isang babaeng staff. Akala namin noong una ay para sa 9:30 pa yun, hindi pala dahil ang ticket na inabot nya kay maia ay para sa 7:05 screening.

MY TOP FAVORITES
This satire film shows a very simple story yet upholds a very powerful message. Natuwa ako sa mga batang gumanap dito. Natural ang arte. Para bang walang camera sa paligid. Excellent cinamatography din. Even the soundtrack speaks for the story. Medyo pumalya lang sa continuity ng sinag ng araw which is somehow a typical challenge sa outdoor shoot. Pero sa pangkalahatan, ang pag-uusap ng mayamang bata at mahirap na bata sa gitna ng kanilang "common ground" ay matalinong konsepto ng short film. Wish ko lang tinamaan ang mga "rich kids".
OH! PARA SA TA U WA YEAH! - Jeorge Agcaoli
Gusto ko to because of its charm and music. I love musical films. And I know how hard it is to make a musical film. And how hard it is to shoot sa isang uma-andar na vehicle. Nice naman dahil the editing is seems to be very perfect and subtle. Ang istorya ng Nestea Iced Tea TVC campaign ay well-established na, and it gave a good advantage to catch the hearts of the audience in putting it into a short film masterpiece.
The best line? Interesting ka daw sabi ng ate ko, tulad nitong book ko (Jillian holding a children's book). -Haha
Nagustuhan ko ang SILUP dahil una, ang kabuoan ng istorya ay nasa dulong lahat. Pakiramdam ko, ang buong kwento ay nasa huling tatlong minuto ng pelikula. Pangalawa, nakipagtitigan ako sa kaisa-isang eksena ni Ms. Gloria Diaz. Higit 2 minuto din siyang hindi kumurap. Palantandaan ng kanyang kahusayang walang kupas.
Katulad ng SILUP, paglalaruan din ng DOWNTOWN ang paniniwala mo sa mahabang panahon at pagkatapos sa dulo ay tila ba biktima ka ng maling akala. Ang popular na tawag dun ay twist. Isang kapansinpansin na kapangyarihan ng DOWNTOWN ay ang pagpapamalas nitong gawing tila ba matiwasay at malamig na lugar ang China Town. At ang huling dayalogo sa dulo na, "tara na, uwi na tayo," ang bumuo sa kwento. Kudos para kay Stephen Ngo, na hindi ko kilala.
Actually, hindi ko namalayan na tapos na ang 100 minutes. Nakakaaliw. Sa maiikling kwento, pang matagalang epekto ang dala. Iba na talaga ang marketing strategy ngayon.
2 comments:
May free taste pala ng Coco Crunch oh! Amp! Anyway, inenjoy mo naman siya ng bongga kaya ko lang.
Bakit nga ba hindi ka pumunta? Haha. Naka pag coco crunch ka rin sana! haha!
Post a Comment