Sunday, June 26, 2011

ABS-CBN's Hadji Rieta Now A Kapuso

Hindi lang sa mga celebrity uso ang pagtawid bakod from their previous TV network to another. This phenomenon also happens even with the serious people of News and Public Affairs: Mel Tiangco, who's from ABS to GMA News. Erwin Tulfo from ABS to TV5, Aljo Bendijo from ABS to IBC 13, Karen Davila from GMA to ABS, Cheryl Cossim from ABS to TV5, and more. That is why considering these cases, it is not surprising to know what Al Hadjie Rieta did.

Al Hadjie Rieta is a former News Anchor of TV Patrol Laoag of ABS-CBN Northern Luzon. I met Al Hadj at the 1st I-witness Docuseminar held in SM Megamall on 2008 when he was still a student of Mass Communication in Northwestern University. Undeniably, he is a smart, dynamic and a proactive person. 

Me and Al Hadj at the
1st I-Witness Docuseminar
I can remember him talking to almost everybody in the event. He was very active with the discussions and interactive activities prepared by the I-witness hosts. You can see his energy and passion towards news and public affairs, that's why it wasn't a surprise for me to see him on a regional TV doing a live news telecast. 

On an interview with Media Newser Philippines, a leading weblog delivering news and opinions about the Philippine TV News, Al Hadj said that GMA had offered him an oppurtunity to be a national reporter. He said,
"I transferred to GMA-7 because there was an opportunity for me to be a national reporter. Lahat naman pangarap ito kaya when I learned na puwede I grabbed it already. ABS-CBN did offered me a national job, but I have to wait, eh ang GMA-7 ito na inaantay lang ako na mag-yes."
 He added that he initially tried to apply in GMA News, so as I supposed, it wasn't really hard for him to accept the offer since it appears that his first interest belongs to Kapuso Network. His facebook became clamoured with different opinions from his "followers" about his decision in changing his news tribe. One of them posted,
"Sana hinintay nlang niya na mging national reporter s ABS-CBN..tama si ma'am eli, ang mga Pinoy 'd mrunong mkontento. Palipat-lipat gaya ng mga artista. Ba't di nila kyang mghintay? Suportahan nlang natin siya. He is an anchor/reporter in TV Patrol Ilocos and an Iglesia Ni Cristo member. "
When he was asked about working with the rival network ABS, he said,
"Nandun yung pakiramdam na nahihiya ka kasi siyempre sila yung unang nag-train sayo, pero ganun talaga eh. I compete sa trabaho naman, not personally."
I'm lucky Al Hadj granted me a brief interview this evening about joining the Kapuso News Team.

Anong masasabi mo sa opinyon ng ilang tao na ang paglipat mo  from ABSCBN Laog to GMA News ay pagpapakita raw ng kawalan ng utang na loob?
Sa totoo nga napaka thankful ako sa ABS-CBN dahil ang laki ng itinulong nila para ma build ako. Nakakalungkot lang kasi sinasabi ng iba na walang utang na loob, hindi naman siguro ganoon, from the start naman the management (ABS-CBN Laoag) always reminds us na kung sa tingin namin e gusto namin mag grow i infrom lang namin sila, that's what I did and they gave me that chance.

What was the initial reaction of ABS-CBN team when you told them that you will be transferring to GMA news?
Nandun yung initial reaksyon na medyo dissappointed pero kalaunan they told me naman na they do respect my decision at masaya sila doon.

Paano or kamusta ang naging adjustment mo on working with the former rival news team?
I never thought naman na rival station eh, kasi sa Laoag, ang TV Patrol ang nangunguna when it comes to newscast, so sa akin parang wala naman, kasi nga hindi naman masyadong ramdan doon sa amin yung competion with other TV networks (ABS-CBN - TV5).

Anong blessing or advantage ang dumating sayo in going to Kapuso Network? How about challenges?
Siguro masasabi kong blessing yung natupad yung isa sa mga pangarap ko to be a national reporter at GMA7 pa. The challenges would be yung takbo ng buhay dito sa Manila, I always naghahabol sa oras, yung parang napaka bilis ng oras dito. Although nakakasabay naman.

Whats new with Hadji now that he's a Kapuso News Correspondent?
New, siguro expect na maging mas mature pa ako sa trabaho.

-end of the interview-

Well, I don't see anything wrong from what he did. As one of the young individuals in the news and public affairs industry, it is still better to get the oppurtunity while it lasts. The "utang na loob" thing from the people who had helped you gain more knowledge and skills to do the job better should not be an objectional reason to accomplish higher goal and to step up. 


Afterall I think, Al hadj did his job very well while he's on the fences of  ABS-CBN, so the Kapamilya news team has nothing to object on his choice of leaving from what he can consider as training ground in the actual field.

He added on my interview:
Sana yung mga nagsasabi ng hindi maganda or kung meron man, sana maintindihan nila. Ulitin ko, hindi naman ito isang kawalan ng utang na loob it's just that isa itong career movement.
Al Hadj envisions to be a part of the I-witness team in the next 5 years. His network debut at GMA Network happened last Friday, June 24 at 24 Oras. You can also see him on other GMA Newscast such as Balitanghali on NewsTV.

To al hadj, goodluck to your new endeavor and more power ka-Iwit! =)

Tuesday, June 21, 2011

FRIDAY





Actually, maraming kanta na may non-sense na lyrics. Hindi ko makakalimutan yung lyrics na "Ooohh, you touch my tralala... my ding-ding-dong.." (Ding-ding-dong by Gunther and the sunshine girls)". Click here for the video.

Kaya in some way hindi na rin masama ang kanta ni Rebecca Black na Friday kung saan umaani ng limpak-limpak na dislike (almost 5K dislikes vs 1500+ like to date) ang music video sa YouTube. Una kong napanood ang portion ng MV nito sa isa sa mga episodes ng WOTL. At ngayon ko lang tuluyang napanood ng buo.

Nakakapraning. Haha.

Okay naman. Hindi na masama. Sa wikang konyo, uhh, its not bad at all. Pero hindi ko ma-gets kung paano sila nakapag produce ng ganong production na ang lyrics ng kanta ay di ko alam kung biktima ba ng Friday the 13th ang gumawa.

THE GOLDEN VOICE. Kung feeling mo eh boses vagina na si Britney Spear sa Oops I Did It Again, wait wait wait. Dahil may bago nang magmamana ng korona.

BACKSEAT OR FRONT SEAT? Sa lyrics, wit ko magetlak kung bakit nalito si Rebecca Black kung saan siya uupo sa car, kung sa backseat or frontseat eh samantalang isa lang naman ang vacant seat na pinakita sa video, at yun ay sa backseat.

YESTERDAY IS THURSDAY. Oo naman. Kung friday ngayon, so kahapon ay Thursday at bukas ay Saturday at sa susunod na bukas ay Sunday. Sino nga namang makikipag argue nyan. Check it out.
Yesterday was Thursday, Thursday 
Today i-is Friday, Friday (Partyin') 
We-we-we so excited 
We so excited 
We gonna have a ball today 

Tomorrow is Saturday 
And Sunday comes after ...wards...
BORN AGAIN FINALE. Usually kasi pag partey-partey, nasa loob ng club with patay-sinding light and unkabogable na sounds. Pero sa finale ng Friday ni Rebecca, napag desisyunan nilang mag partey sa park sa ilalim ng puno na parang grupo ng mga born again christian. Uhh, its not bad at all.

After all, Friday is still okay. Its all about a wholesome teenage fun. Not bad kung ico-compare kay Gaga sa kanyang "Judas, juda-a-asss".

Monday, June 20, 2011

Ang Irregular Student

Oo, tapos na ang unang linggo ng pasukan. At nakakapagod yun. 
Ngayon ko lang napagtanto na mas nakakapagod palang mag-aral kapag kaunti lang ang subjects dahil sa kailangan mong pumunta sa eskwela para sa tatlong oras lamang na klase. Minsan kung mamalasin eh wala pang prof na darating (pero ang pag-absent ng prof ay madalas isang biyaya).

Nagsimula na ang aking buhay IRREGULAR STUDENT. Ayon sa student handbook:

7.2.2 Irregular student: one who is registered for formal credits but who carries less than the full load required in a given semester by his curriculum.
Last batch of Manual Enrollment
Ibigsabihin, ang kahit sinong estudyante na may units enrolled na mas mababa pa sa kanyang nakatakdang curriculum ay Irregular. Parang regla lang di ba. Ibig sabihin, hindi ka normal na estudyente. Ibigsabihin, petix. Pero madalas, dalawa lang ang klasipikasyon ng estudyanteng irregular: Isang tinamad at isang biktima ng kapalaran.


Ang Tinamad na Irregular ay isang irregular na kaya naging iregular ay dahil mas inuna ang rampa, ang dota, ang jowa, o kaya ay ang nongga. Ito yung mga naiwan ng mga kabatch na nag graduate na dahil may mga subjects pang naiwan na kung hindi singko ang nakuha, ay dropped, incomplete, or withdraw. Pero hindi naman sila bobo. Tinamad lang sila. Pwede naman yata yun. Ito yung mga ganado mag extend pa ng buhay sa paaralan at nae-enjoy pa buhay estudyante at nakaka discount pa rin sa bus o jeep.

Ang Irregular na Biktima ng Kapalaran ay mga irregular na estudyante na biktima lang naman talaga ng tadhana. Ito yung mga shiftees, transferees at returning students na may naiwan ding units dahil hindi sila pinayagang mag-overload nung mga nagdaang sem, o di kaya'y sinadya nilang wag munang kunin lahat o kaya nama'y may problema pa sa mga subjects na na-take na.

Isa ako sa huli. Curriculum 2001 ang gamit na curriculum sa Advertising and Public Relations nang pumasok ako sa Sintang Paaralan nung 2004. Pansamantala kong iniwan ang pagiging iskolar ng bayan para sa isang religious purpose noong 2006. Oha. Makalipas ang dalawang taon, muli kong binalikan ang PUP para magpatuloy bilang 3rd year student gamit ang bagong Curriculum 2006. At dahil loyal ako sa section na 1N, sa 3-1N ng SY 09-10 ako napabilang at tinawag ang klase na 1NightStands - isang makulay, magulo at masayang klase ng BAPR.

Ngayon, graduate na sila. May mga may raket na, at mayroon pa ring patuloy ang paghahanap. At may mga ilan pa ring naiwan sa 4th floor, west wing bilang Irreg.

Hindi biro maging irreg. Dahil niluma na ng panahon ang dating curriculum, napalitan na to  noong 2006. Ibigsabhin, may mga bagong unit na nadagdag. May ilang subjects narin akong kinuha mula sa ibang klase kahit enrolled ako sa 1N na block section, pero ang mga klaseng 'yon ay sa loob lang ng BAPR Dept para hindi na rin mahirap makisama at hindi rin mawala ang grade sheet. Ngayon, iba ang kaso. May tatlong subjects ako ngayon. Tatlong klase. Tatlong period. Tatlong grupo ng mga estudyante na hindi ko kilala. Total stranger kumbaga. 

Ang una ay sa AB History under ng subject na Rizal. Nito ko lang nalaman na mayroon palang ganung kurso sa peyups nung unang beses na pumasok ako sa kanila. Mahigit pitong irreg kami doon dahil ang naunang free section para sa nasabing subject ay nadissolved at tanging ang klase lang nila ang may offered ng subject na swak naman para sa mga graduating ngayong October. Naisip ko lang kung ano nga ba ang magiging trabaho ng mga AB History in the future. At infairness, magagaling sila magtagalog. Malalim. Lalo yung prof namin dun na parang naliligo na sa pawis pero keber lang siya, napakahusay makipagtalastasan.

Pangalawang period ko ay tatlong oras mula sa una kong subject. Kasama ko naman ang mga maiingay at kasinggulo ng BAPR na Marketing students, under ng MicroEco subject. Akala ko nga walang offered na MicroEco, muntik ko nang i-tutorial, kung saan kung graduating ka, babayaran mo ang tuition ng buong klase (aroung 4K) para makuha lang ang subject kapag hindi offered. Matapos akong pagpasa-pasahan ng College of Economics at CCMIT, nahanap ko din ang sked sa Dept of Marketing. Mukhang hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil kasing aktibo din sila ng BAPR sa klase. Hindi nagkakalayo ng ugali. Yun nga lang, 57 kami. Masikip na. Nang unang beses akong pumasok dun, naabutan kong maingay ang klase, pero nang makita nila akong papalapit sa pinto, biglang silang tumahimik at nagsipanhik sa upuan. Parang nakakatawa na nakakabastos. Hahaha. Mayroon din akong 3 kasamang irreg  na puro babae.


Ang huling klase ko ay sa BAPR na, at kinatatakutan ko sa lahat -ang Math of Investment. Matagal kong pinagdasal na sana petix lang ang prof. Pero mukhang hindi sinagot ang aking dasal. Masipag at medyo terror na prof from PLM ang dumating na prof sa pangalawang araw ng klase. Napalunok nalang ako ng sabihin niya ang magiging sistema ng subject. Goodluck talaga. Tatlo kaming irreg sa subject na pawang mga taga BAPR din.


Sa ngayon, mayron pa rin akong isang subject na ipapa-credit. Naway, maapruban para hindi ko na i-take. Ayon sa kabatch kong nag returning din, inapprove naman ang subject na yun sa ibaba (ARO) pero hindi sa college of science. Cross finger pa rin ako.

At ito ang unang linggo ng pagiging irreg. Mas madalas ang pag-iisa. Mas madalas na pagkakamalang prof. Sana lang ito na ang huling sem sa Sintang Paaralan.


-------------------------------------------------------
Photos courtesy of PUP Stolen Shots

Monday, June 13, 2011

TAGGED: 92 Truths About Me

Mahilig ako sa mga ganito. Haha. Hindi ko alam kung bakit pero naaaliw akong sagutan ang mga random facts kuno na tina-tagg sa kin sa FB notes.

NAME: Alexander Duca
AGE: 24
BIRTHDAY: January 5, 1987
PRESENT ADDRESS: Antipolo City

Rules: Once you've been tagged, you are supposed to write a note with 92 Truths about you. At the end, choose 25 people to be tagged. You have to tag the person who tagged you.

WHAT WAS YOUR:

1. last beverage = RC Cola
2. last phone call = With Jayrald
3. last text message = With Jayrald
4. last song you listened to = Unwritten by Natasha Bedingfield (My life song)
5. last time you cried = Nung sabado. Nang mapanood ko ang documentary ng GMA NewsTV about old people - DAPITHAPON

HAVE YOU EVER:

6. dated someone twice = Oo
7. been cheated on = Oo den.
8. kissed someone & regretted it = Oo ulit.
9. lost someone special = Naman. Pero not to the point na namatay ha.
10. been depressed = Yep.
11. been drunk and threw up = No.

LIST THREE FAVORITE COLORS:

12.Green with white
13. Black
14. Yellow

LAST YEAR (2010), HAVE YOU:

15. Made a new friend = Oo
16. Fallen out of love = Wala. Falling IN meron. Hehe.
17. Laughed until you cried = Halos araw-araw naman.
18. Met someone who changed you = Opo.
19. Found out who your true friends were = Naman!!
20. Found out someone was talking about you = Not someone. Most of the time "somebodies"
21. Kissed anyone on your FB friend's list = Yup.

GENERAL:

22. How many people on your FB friends list do you know in real life = 90%
24. Do you have any pets = Aso.
25. Do you want to change your name = Hindie na!
26. What did you do for your last birthday = Celebrated it with a HEART!
27. What time did you wake up today = 12:10PM
28. What were you doing at midnight last night = Online.
29. Name something you CANNOT wait for = I can always wait.
30. Last time you saw your Mother = Naku, ayan lang siya oh.
31. What is one thing you wish you could change about your life = Tyan ko mars.
32. What are you listening to right now = God Gave Me You
33. Have you ever talked to a person named Tom? = What a question.
34. What's getting on your nerves right now = Yung TF na wagas!
35. Most visited webpage = Facebook. Twitter. Tumble. Email.
37. Nickname = Alex, Xander, Lex, Lexie, Gorge, Sandra, Sander, Duca, Duks, Duca duks, Noy, Nunoy, Pogi. Hehehe.
38. Relationship Status = Taken, and captive! Hahahah!
39. Zodiac sign = Capri
40. He or She = Ano to?
41. Elementary = Juan Sumulong
42. High School = Antipolo National
43. College = Polytechnic University of the Philippines
 44. Hair color = Black
45. Long or short = Long and shinny. Haha!
46. Height = 5 something. Hehe.
47. Do you have a crush on someone? = OO
48. What do you like about yourself?= Im who you want your friend would be.
 49. Piercings = Wala.
50. Tattoos = Masarap yun. Piso pa rin isa.
51. Righty or lefty= rRIGHT

FIRSTS :

52. First surgery = NONE
53. First piercing = NONE
54. First best friend = Michael Davidson
55. First sport you joined = Volleybal
56. First vacation = Baler, Aurora
58. First pair of trainers = Mission trainers 

RIGHT NOW:

59. Eating = Mango
60. Drinking = TUBIG
61. I'm about to = Sleep, istorbo kang boring na questionare ka.
63. Waiting for = The sun to rise.

YOUR FUTURE :

64. Want kids? = Oo. Sampu!
65. Get Married? = Nawa.
66. Career? = Naman! targeted!

WHICH IS BETTER :

67. Lips or eyes = LIPS
68. Hugs or kisses = HUGS
69. Shorter or taller = TALLER
70. Older or Younger = OLDER
71. Romantic or spontaneous = DEPENDOT
72. Nice stomach or nice arms = NICE STOMACH 
73. Sensitive or loud = SENSITIVE
74. Hook-up or relationship = RELASYON
75. Trouble maker or hesitant = WALA NOH. 

HAVE YOU EVER :

76. Kissed a stranger = Oo (Hehehe)
77. Drank hard liquor = No
78. Lost glasses/contacts = 3 TIMES NA
79. Sex on first date = WALA
80. Broke someone's heart = HMMMMMMM
81. Had your own heart broken = ONE TIME
82. Been arrested = HINDI PA
83. Turned someone down = OO
84. Cried when someone died = OO
85. Fallen for a friend = BEEN THERE

DO YOU BELIEVE IN:

86. Yourself = WALA KANG KWENTA MAGTANONG
87. Miracles = WALANG HIMALA SABI NI ATE GAY
88. Love at first sight = SO HIGH SCHOOL
89. Heaven = OO SA SOGO
90. Santa Claus =WALA YAN WHEW
91. Kiss on the first date = HEHEHE DONE!!!
92. Angels = OO ULETTT

Sunday, June 12, 2011

Kasambuhay Habambuhay


At last, kahit walang tulog at sunod-sunod ang naging mga pagrampa ngayong weekend, natuloy pa rin ang ultimate experience ngayong Saturday! 
Kasama si friendshipJeremiah (who's on his way to Saudi next week) and Makito (a newly returned missionary), our feet were off to SM Megamall for the KASAMBUHAY HABAMBUHAY: A Short Film anthology, as part of the centennial celebration of Nestle Philippines.
Matao sa mega dahil Independence Day Sale din. Partida pa dahil 2 oras palang ang tulog namin ni maia. Quarter to 6PM ng makarating kami sa cinema lobby at mahaba na ang linya ng mga taong all set para sa 7:05 screening. So hindi na surprising ang dami ng tao na naghihintay. Sa may table ng ticket reception naka post ang..Ticket distribution for 9:30 screening will start on 7:30
Pero kahit ganun, makulit pa rin ang mga tao dahil paulit-ulit pa rin silang nagtatanong tungkol sa ticket at sa susunod na oras ng screening. Dahil kailangan pa namin mag-antay ng 7:30, sinamantala muna namin ang free taste ng Coco Cruch, nakadalawang round din ang mga patay gutom. Hehe.
Ilang saglit pa ang lumipas, pinalad kaming palihim na bigyan ng tatlong ticket ng isang babaeng staff. Akala namin noong una ay para sa 9:30 pa yun, hindi pala dahil ang ticket na inabot nya kay maia ay para sa 7:05 screening.
Hindi kami binigo ng sampung short films na tig-sampung minuto bawat isa. Sympre, hindi mawawala ang Nestle products sa bawat short film, nagpapakita ng role ng Nestle sa buhay ng Pilipino. Astig ang production quality ng mga shorts. Astig din ang stories at “magnificent” ang performances ng mga artists. Ilang bigating artista ang kinuha ng Nestle sa bawat film which is good dahil pasok sa banga ang casting. Ang iba naman ay pamilyar na mukha na sa industriya ng indie and short film, o di kaya naman ay suki na ng Cinamalaya. Kapansin-pansin ang pagka-energetic ng mga viewers mula palang sa unang short na kinatampukan ni Ms. Comedy Icon Eugene Dominggo sa The Howl & the Fussyket. Nasa likuran naman namin ang isa sa mga gumanap sa "Cooking Mo, Cooking Ko" na tawa din ng tawa sa mga pinaggagawa niya. Nakadagdag pa sa mabagsik na cinamatography ang pagiging digital theater ng cinema 3, ibig sabihin, hindi film ang gamit na medium, kundi digital format.

MY TOP FAVORITES
TINGALA SA BABA - Henry Frejas
This satire film shows a very simple story yet upholds a very powerful message. Natuwa ako sa mga batang gumanap dito. Natural ang arte. Para bang walang camera sa paligid. Excellent cinamatography din. Even the soundtrack speaks for the story. Medyo pumalya lang sa continuity ng sinag ng araw which is somehow a typical challenge sa outdoor shoot. Pero sa pangkalahatan, ang pag-uusap ng mayamang bata at mahirap na bata sa gitna ng kanilang "common ground" ay matalinong konsepto ng short film. Wish ko lang tinamaan ang mga "rich kids".

OH! PARA SA TA U WA YEAH! - Jeorge Agcaoli
Gusto ko to because of its charm and music. I love musical films. And I know how hard it is to make a musical film. And how hard it is to shoot sa isang uma-andar na vehicle. Nice naman dahil the editing is seems to be very perfect and subtle. Ang istorya ng Nestea Iced Tea TVC campaign ay well-established na, and it gave a good advantage to catch the hearts of the audience in putting it into a short film masterpiece. 
The best line? Interesting ka daw sabi ng ate ko, tulad nitong book ko (Jillian holding a children's book). -Haha

SILUP - Jun Reyes
Nagustuhan ko ang SILUP dahil una, ang kabuoan ng istorya ay nasa dulong lahat. Pakiramdam ko, ang buong kwento ay nasa huling tatlong minuto ng pelikula. Pangalawa, nakipagtitigan ako sa kaisa-isang eksena ni Ms. Gloria Diaz. Higit 2 minuto din siyang hindi kumurap. Palantandaan ng kanyang kahusayang walang kupas.



DOWNTOWN - Stephen Ngo
Katulad ng SILUP, paglalaruan din ng DOWNTOWN ang paniniwala mo sa mahabang panahon at pagkatapos sa dulo ay tila ba biktima ka ng maling akala. Ang popular na tawag dun ay twist. Isang kapansinpansin na kapangyarihan ng DOWNTOWN ay ang pagpapamalas nitong gawing tila ba matiwasay at malamig na lugar ang China Town. At ang huling dayalogo sa dulo na, "tara na, uwi na tayo," ang bumuo sa kwento. Kudos para kay Stephen Ngo, na hindi ko kilala.

Actually, hindi ko namalayan na tapos na ang 100 minutes. Nakakaaliw. Sa maiikling kwento, pang matagalang epekto ang dala. Iba na talaga ang marketing strategy ngayon.