Saturday, September 08, 2012

Get To Know Perxclub Blog Contest!


WHO CAN JOIN?
The contest is open to all Philippine-based bloggers with a minimum of 40 posts as of August 31, 2012.

HOW TO JOIN?
1   Write a blog post (minimum of 250 words) about your experience with Perxclub Mobile App. You may attend the Exclusive Launch on September 17, 2012 at 6PM in Decagon, Silver City, Tiendesitas.

    • Only FIRST 30 bloggers will be invited to attend from this contest. But you can still send your entry without going to the launch.
    • To reserve your slot for the event, scan the QR code or call Xander at 576-4623 or 0917-665-3055 (September 10-14, 9AM-5PM). Wait for 24-48 hours to get your confirmation email or SMS.

    2. Send your entry to gettoknowperxclub@gmail.com with your full name, nick name, mobile number and the link to your entry with the subject title “Get To Know Perxclub”. Submission starts from September 18 to September 30, 2012 (Sunday). Any entry published and/or submitted thereafter will not be included.

    3. Determination of winners is on October 12, 2012 and they will be notified via email. Grand Winner’s entry will be published on Manila Bulletin and Business Mirror and other winning entries will be posted on Perxclub’s official website (www.perxclub.com).

    PRIZES
    1st Place – One (1) SONY XPERIA P
    2nd Place – One (1) Canon LBP 2900 Laser Printer from Ink-All-You-Can
    3rd Place – Five (5) winners of Php1000 worth of Gift Certificates from Partner Merchants

    JUDGING PROCESS
    Winners will be chosen based on the following:
    ·  Content                                                             30%
    ·  Literary Value                                                   25%
    ·  Creativity                                                           25%
    ·  Generated Response/Buzzworthiness          20%
       TOTAL                                                              100%

    POINTS FOR MERIT
    a. Event photos
    b. Partner Merchant photos
    c. Interviews

    By submitting his/her blog article, the entrant represents, acknowledges, and warrants that the submitted work does not infringe on the copyrights and intellectual property of any person or entity, and that no other party has any right, title or claim or interest in the article and that the blogger acknowledges the right of Perxclub to utilize the article for its purposes. Judges’ decision will be final and irrevocable.

    Thursday, April 05, 2012

    Kanta! Kanta! Kanta!!

    Wednesday nakareceive ako ng text mula sa isang college friend, tinatanong ako kung pwede ako sa Saturday from 12 noon to 12 mignight. Sabi ko, basta pagkakaperahan, sige, go tayo dyan! At nagulat ako sa gagawin namin! Magbi-videoke ng 12 hours!

    Dubbed as 12HR Sing-A-thon by Bactidol, simple lang ang mechanics ng event. Bumuo ng grupo na may minimum na 10 members, magpareserve sa RedBox Karaoke sa Eastwood Mall, kapag pasok ang grupo, tatawagan para pumunta sa event. Ang gagawin lang ay kailangang mag-videoke straight for 12 hours! Bawal ang gap. Bawal ang tulain ang lyrics ng song. Basta kanta lang ng kanta. Ang grupong maka-survive hanggang 12 midnight at tatanggap ng bonggang-bonggang 20K! Not bad, right?

    Ilang oras bago ang event, napag-alaman naming nasa waiting list pala ang grupo namin. Ilang weeks bago ang event, marami naring nagpo-post sa fanpage ng Bactidol na nasa waiting list din sila. So we didn't get our hopes up. And then, 35 minutes bago mag 12PM, iniform kami bigla ng mga organizer na merong nang slot for us! Imagine kung paano kami nagmadal trying to get to Eastwood for only around 30 minutes! Kinulang pa kami ng 2 members sa grupo, buti there were people around na nahila namin to join us! Around 12:30 na kami nakumpleto. Nagbigay naman ng consideration ang mga organizers since almost last minute narin sila nag-notify. And the long singing marathon began.

    Here are some of our pics!




      

    May "Sing For Food" na tinatawag, wherein kailangan niyong kantahin ang mga required songs (eg. Bring Me to Life, My Way, etc for a free snacks! Max of 2 orders per 3 hours!

    Barbie and Kitchie were there!





    12:30PM na kami nakapag-start so 12:30AM na kami nakatapos! It was awesome! Together with other 20 groups, we survived na 12-hr Sing-A-Thon! Parang you're getting paid to do what you usually like to do and it was fun!

    Monday, February 20, 2012

    Lumayo Ka Nga Sa Akin, Rebyu-rebyuhan

    Wala naman sa plano ko bumili ng bagong libro. Nagawi lang kami ng ate ko sa bagong tayong National Bookstore sa may bayan ng Antipolo. Una kong pinupuntahan sa book section eh ang mga libro ng Pugad Baboy, Jessica Zafra, at iba pang pinoy writers pero makatawag pansin ang bagong libro na gawa ni Bob Ong, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin. Tunog rehash mula sa isang sikat na OPM song ang title ng bagong libro na may mala-tipikal na pocketbooks cover.

    Speaking of rehash, yun nga pala talaga ang punto ng libro. Rehash, mash-up, re-make at cover! Walang ibang ginawa si Bob Ong sa kanyang ika-siyam na libro kundi ang magpatawa habang naglalahad ng mga realidad na hindi madalas napapansin ng marami sa ating noypi: kung ilang oras ang nasasayang sa atin sa kapapanood ng mga soap opera na recycle naman ang kwento (eg. love triangle, mayaman si girl, mahirap si boy), kung bakit laging may sponsor na pinapakita sa mga pelikula na wala namang kinalaman sa kwento, kung paano tayo tinatanggalan ng common sense ng ilang pinoy action and horror movies, kung paano tayo nadadala ng TV host sa tuwing sumisigaw sila sa kanilang mga variety-party show, kung paano tayo nabibiktima ng mga text votes, kung gaano tayo ka-pathetic sa paggamit ng social media, kung paano tayo naiimpluwensyahan ng kulturang banyaga na hindi natin napapansin sa musika, sining, film, maging sa libro, kung paano nahuhubog ng unlitext, pick-up lines, jejemon, planking, Pinoy Henyo, Showtime, Angry Birds at Twitter ang bagong henerasyon. Sa katunayan, wala pang ibang libro na nagpa halakhak sa kin tulad nito. Yep. Pwamis.

    May tatlong kwento ang Lumayo Ka Nga Sa Akin, parang anthology na trilogy. 

    Una ang Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat na pinagbibidahan nila Diego at Divina Tuazon, isang romantic/action film ang kwento. Maraming katotohanan ang binanggit dito, kung paano nagiging identity natin ang pagsuporta sa TV station, kung paano nagiging artista ang sikat at hindi sikat dahil artista, kung paano tayo naiinlove sa abs at kung bakit papuntang Tallest Mountain si Dora. Mayaman si Divina bilang leading lady at maiinlove sa kanya si Diego na leading man, may bed scene ang leading man at leading lady, may goons, may bida na hinahabol ng mga goons, may evil laugh ng mga goons, may warehouse ng mga bandido kung saan hinostage ang leading lady na ililigtas ng bida, may nagkapalitang attache case, tatakbo ang leading man hawak-hawak ang leading lady habang pinapaputukan pero di tatamaan. Ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano tayo giliw na giliw sa mga over rated na pelikulang pinoy na napanood na natin makailangan beses na mapa-aksyon, drama, love story o tweens.. blah blah blah...


    Sample Clip:
    BOS: Tawa ng nangingidnap?
    BANDIDO 1-10:  Buwahahahahaha.
    BOS: Tawa ng nangangarnap?
    BANDIDO 1-10: Buwahahahaha.
    BOS: Tawa ng nanghoholdap?
    BANDIDO 1-10: Buwahahahahaha.
    BOS: Magaling. Maari na tayo ngayong mag-umpisa ng ating aralin. Natapos na ba natin last time ang wastong pambabastos sa GRO?
    BANDIDO 1-10: Sir, yes, sir!
    BOS: Okay, very good. Next lesson, open your books to Chapter 9: Epektibong Rape Scene sa Batis.

    The Epic Line:
    "Ng underwear in public? Sino bang tao ang magsasabing 'Naku, buti na lang may billboard ng brief dito sa EDSA! Salamat at nakita ko. Makabili nga muna.'? -Divina


    Pangalawag kwento ang Shake, Shaker, Shakest. Alam mo na yan, pelikula yan ni tita Lily. Dito nakapaloob kung paano ang mga reality show, talent show, talk show, mga nagsarang radio station ay nakakaapekto sa araw-araw nating life. Ito ay isang stupid na horror kwento ng isang stupid na pamilya na na-stranded sa isang stupid na haunted house, may nasapiang nagbabagong boses (pag sinapian, liliitan ba agad ang boses?), may mga dull scenes na trying hard na gagawing "scary" through pang-gulat na musical score, may manghuhula, may pangit na CGI, may anak na mareklamo.
    Sample Clip:
    MANG CARLOS: Good morning anak! Ano ang una mong reklamo for today?
    ABY: Nakakainit ng ulo! Hindi na pala planet ngayon ang Pluto!
    MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Earth?
    ABY: Priority nila ang job creation pero papatol din sila sa free trade, e di lalo lang silang mamomroblema no'n. Nakakainis talaga ang US government!
    MANG CARLOS: Wala ka bang problemang dito lang sa Pilipinas?
    ABY: Ten years nga lang, hirap ng iraos ng magulang, dadagdagan pa nila ng dalawang taon ang pag-aaral ng mga estudyante? Nakakaasar ang Philippine government!
    MAR: Hindi ka ba makadampot ng ibang isyu na may kinalaman man lang sa kalagayan natin ngayon?
    ABY: Ano ba problema nyo ni Daddy? Andami niyong angal, ang aga-aga puro kayo reklamo!


    The Epic Line:
    "Kung ano ang nakikita at naririnig natin sa araw-araw, nagiging 'yon tayo. Kinokondisyon tayo ng mga patalastas na hindi tayo masaya, na laging may kulang sa buhay natin. Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata." -MAR

    Pangatlo at huling kwento ang Asawa ni Marie. Ang kwento ng Asawa ni Marie ay parang pakbet, espesyal, halo-halo ng mexicanovela, koreanovela at fantaserye. Walang ibang papasok sa isip mo kundi ang makasaysayang teleserye ni Thalia nung 90's. Yun ang peg ng pangatlong kwentong ito. May bidang ina-aapi. May kontrabidang mang-aapi sa bida. May love interest ang bida na mayamang lalaki. May asong nagsasalita sa isip. May paglalakbay. May rugs to riches. May paghihiganti. May sampalan. May flashback. May amnesia. May diary. Alam niyo na yang lahat!

    Sample Clip 1:
    MARIE: Kayo pala, Senyorita Avila. Magandang 5:57AM po sa inyo!
    SENYORITA AVILA: Magandang 5:36AM din sa 'yo. Advanced ang relo mo.
    MARIE: Uumpisahan nyo na po ba ang panlalait ng 5:37AM, Senyorita?
    SENYORITA AVILA: Kailangan kong makarami.


    Sample Clip 2:
    MARIE: Ang hirap maging artista, 'no mahal ko? Hanggang sa pagtulog, nasa mukha natin ang spotlight.
    SENYORITO LAPID: Buwan 'yan kunyari, mahal ko. Hindi kasi tayo makikita kung wala tayong ilaw.
    MARIE: Sino ba talaga ngayon sa inyo ng kapatid ko ang kasintahan ko, mahal ko? Nalilito na kasi ako sa palabas natin.
    SENYORITO LAPID: Huwag mong isipin 'yon. Oras ng hapunan ang time slot natin, busy ang mga manonood sa paghihimay ng isda. Iisipin nila, sila ang hindi nakakasunod sa kwento.
    MARIE: Malungkot kaya ang kuya mo ngayon?
    SENYORITO LAPID: Bakit mo naman naitanong?
    MARIE: Wala lang. Kasi patay na si Senyorita Avila, di ba? 
    SENYORITO LAPID: Huh? Ba't di ko alam 'yon?
    MARIE: Sumilip ka kasi kagabi sa basketball, naka-miss ka ng episode.
    SENYORITO LAPID: Whew! Sobrang bilis ng pacing natin!


    The Epic Line:
    "Pero at least tapos na tayo mag-sex at naipakita na natin ang impluwensya ng Hollywood." - Mharilyn

    Sa kabuoan, sumasaklaw ang Lumayo Ka Nga Sa Akin sa tatlong bagay sa ating lipunan: media, kabataan at komersiyalismo. Nauubos ang sining. Nauubos ang value. Puro pera, puro instant gratification. Maari nga tayong mapatawa ng libro, ngunit sa bawat satirical dialogue na ibinabato ng bawat karakter ng bawat kwento ay isang makabuluhang mensaheng panggising sa bawat pinoy, lalo na sa kabataang pinoy, may kailangang baguhin sa lipunan. Natutulog ang lipunan. Rock n roll! Parteh-parteh!

    Mabibili na ito sa suking National Bookstore at iba pang bookstore sa halagang Php175! Bawal manghiram! Ahihihi.




    PS: Dear tito Bob, sana po ay 'wag niyo kong idemanda sa pag-quote ng ilang bahagi ng iyong libro. Hehehe.

     

    Thursday, August 25, 2011

    10 Zombatanong For Raymond Lee

    Isang linggo nalang at nalalapit na ang pagsalakay ng mga zombing vacler! At masaya akong nainterview ang may pakana ng lahat ng kabadingang itey --- si Raymond Lee!


    With Zombadings's writer Raymond Lee at
    UP Film Institute screening, Aug 9, 2011
    1. Saan galing ang konsepto ng a)Zombadings (Gay zombies) at b) Maligno na ala macho dancers?
    a) Nag-evolve siya mula sa konsepto ng movie. nagsimula sa premise na what if may isang batang lalaki na walang ginawa kundi mang-asar ng mga bakla, tapos sinumpa siyang maging bakla paglaki niya? mula dun ipinanganak ang marami pang elements ng story, isa na ro'n ang gay zombies.
     b) Idea ni jade (castro, director). tanong niya, ano kaya para sa isang straight guy ang nakakatakot na anyo, manifestation, o off-shoot ng homoeroticism?
    2. Base sa trailer, bakit naging isang sumpa ang pagiging bading sa bidang si Remington?

    Isang baklang napikon sa mapanglait na batang remington ang nagsumpa sa kanyang maging bakla siya paglaki niya
    3. Bakit si Marian Rivera ang albularyo? 
    'Yun ang role na nagfit sa schedule niya. nagvolunteer siya to do a cameo, for the love of her kinakapatid sa manager, si Martin Escudero.
    4. Ano-ano ang mga salik (factors/influences) ang iyong ginamit upang mabuo ang kwento ni Remington? 
    Mainly ang love ko for movies.
    5. Bakit mga babae ang gumanap na pulis at mayor? 
    Bakit hindi? :DSeriously, may ganitong gender-bending sensibility at playfulness thorughout the movie which reflects our own thinking about gender - mainly that it's fluid.
     6. Ano ang pinaka- nakakalokang parte or eksena para sa iyo sa ginawa ninyong pelikula? 
    Meron, pero spoiler, e!
    7. Ano ang feeling na kasabay ni Remington ang pelikula ng Star Cinema na isang mainstream film (Wedding Tayo, Wedding Hindi)?
    Nakakakaba syempre, pero focus na lang kami ngayon sa kung paano pa palalakasin ang awareness at interest sa movie namin, regardless of kung anong ibang movies ang kasabay. marami, e, bukod sa star cinema may mga hollywood movies din.
    8. Kailan ka unang nagmahal? Kailan mo nalaman na ikaw ay isang bading?

    Unang nagmahal... antagal na... parang limot ko na hahaha! limot ko kung sino pero yung feeling tanda ko pa. bata pa lang ako alam ko na.
     9. Ano ang mensahe ni Remington para sa mga vaklush? at para sa lipunan?
    ... na masaya at masarap mabuhay - whether ikaw ay girl, boy, bakla, tomboy, bi-, les, trans, atbp!
    10. Noranian or vilmanian? Bakit? 
    Pareho! ang galing nila, e! Nanunuot, hindi makalimutan ang mga pagganap nila.
     Zombadings is a horror-comedy flick that will tickle your bones at whatever level of humor you may have! It promises a full-length of 100% laughtriff!! No wonder it received a GRADE of A from Cinema Evaluation Board. It will be shown in theaters nationwide this August 31! Definitely a must-see film this year!

    Sunday, August 21, 2011

    10 Questions From A Cinexpo 2011 Participant

    The week before the CINEXPO 2011 arrive, I got so preoccupied by Remington's indie flick I totally forgot the once-i've-heard film making seminar which would be conducted by 2 giants in the Philippine cinema industry - Star Cinema & SM Cinema, which they call Anatomy of Film Making

    The Anatomy of Film making is a 3-day congress designed to provide film students and film enthusiasts the whats and the whys of film production starting off with the current state of local film industry, film appreciation, concept development and scripting, production proper up to promotions and digital marketing. 


    I was so unlucky that I was so so too much ever late (parang gago lang) to register, since they have began accepting names 2 weeks before hand. However, one of my co-advertising studs was able to get there and witness the 3-day seminar - meet Alfred Flores. Like me, Alfred is an audio-visual enthusiast who's into photography, film and digital arts. A shiftee from Department of Accountancy, he's also a self-proclaimed ramp model in the academic environment. I took the chance of his  fresh feedback from the event, giving him 10 questions to answer regarding his entire Cinexpo experience.

    1. How did you learn about Cinexpo 2011?
    • Napanuod ko sa cable, haha tapos mga freinds ko sinabi din sakin baka daw interested ako.
    2. Are you really interested in film-making upon joining the event or just curious about it, or a passion?
    • Really interested. =D
    3. Who came with you? Have you met new friends, from where?
    • Solo flight. Wala akong nakilala. Pero may ibang taga PUP pero konti lang kami, ang madami UST, La salle lipa at UP.
    4.  What is the best thing in Cinexpo?
    • The best part yung talk ni direk Olivia Lamasan. Very inspiring kasi talagang nagsimula sya ng walang alam. Di sya nagaral ng kahit ano for film, pero still gumawa sya ng paraan para magawa ng maayos yung work nya, and lagi nya sinasabi na always come prepared and do your assignment.
    5. One you've learned from the event that haven't heard before.
    •  Yung di kailangan yung may alam ka na agad na marami technical side para maging isang filmmaker. Matututunan naman yun and kung nag-aaral ka naman sa flim school, iba pa rin daw ung sa mismong film making na, film making is a continuous learning, dapat alam mo ang nangyayari sa paligid mo, at kung anong kailangan ng tao, movie making ay para sa tao di lang sayo and last, "you should be a good story teller". Ilang beses kong narinig yan sa mga speakers.
    6. How's the lootbag/s? =)
    • Okay yung laman. Madami galing sa Pascual Lab.
    7. Which part if your favorite? Something you think you can always remember.
    • Favorite part ko pag yung talk na, specially, Director, Editor, DOP, and Promotion's talk. Very interesting din yung Digital Brand Management talk, kasi parang pwede syang gamitin sa Advertising.
    8. Your regrets, any?
    • Bukod sa di ko pagdadala ng SLR, hahaha... isa ko pang regret is yung na late ako nung 2nd day, at di ko naabutan yung script writer's talk. Pero di naman ganun ka-regret kasi di naman ako masyadong interested sa script writing. 
    9. Are you joining next time?
    • Yes! gusto ko sumali ulit next year. =D

    -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

    PS: Alfred is also a planking jejemon. =)

    Wednesday, August 10, 2011

    ZOMBADINGS Attack UP!


    Halos isang taon na rin mula ng una naming mapanood ng mga kadorm ko ang trailer ng Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington sa YouTube. Walang mapaglagyan ang tawa namin, parang ROTF sa trailer pa lang. Kaya nagmatiyag akong maigi, oo nagmatiyag talaga ang term, para malaman kung kelan ang showing ng indie film na iyon. Nagtagal ng konte, ipinalabas sa Cinemalaya 2011 ang Zombadings bilang final showcase, at one week bago ang screening eh sold out na agad ang tickets para kay Remington. Kaka-sad.

    Fortunately, dinala sa University of the Philippines Film Institute ang mga pelikula ng Cinemalaya 2011 at kasama rito ang Zombadings! Nagpa-reserve. Nag-text. Nagpareserve. Nagtext. Salamat kay Alex Poblete ng ticketing and reservations para sa kanyang considerations na kunin ang reserved tickets sa mismong araw ng palabas. 2008 pa nang huli akong tumapak sa UP Film Institute para sa premiere screening ng pelikulang Sagwan na naging kontrobersyal matapos ang ilang araw. At muli isa na namang historical day ang pagbisita sa Sine Adarna ng Universided ng Pilipinas.


    Paul from Writers Block while waiting for the film to start,
    posed like the character of Roderick Paulate which
    can be seen on tickets
    August 9, hindi kami binigo ni Remington. Kasama si Paul, isang kadorm na art-fanatic at si Jerald, isa ring film enthusiast, sinugod namin ang Diliman grounds. Nakipag-gitgitan sa toki jeep, at inilagaw ng aming inaamag na memorya. Kahit papano, natunton namin agad ang Film Institute. Hinintay muna namin lumubog ang araw bago nagkaroon ng pila. And the hell, muntik ng masira ng mga kasama namin sa pila ang gabi ko dahil sa kanilang "english accent" na hindi naman patok sa pop culture. Ika nga nila, manonood ka ba ng pelikulang pangmahirap kung ang bigkas mo sa lugar ay lhogarrr. Hindi ko alam kung sadya nga bang pinaghaharian na ng mga konyo ang UP or what. Namataan namin ang ilang pamilyar na mukha sa independent film industry gaya ni Cannes Awardee Brillante Mendoza. 


    with Director Jade Castro
    Guaranteed laugh trip ang Zombadings! Nagkaroon ng talkback bago magsimula ang pelikula upang ipakilala ang mga creators at ilang artista. Medyo hindi pa pulido sa audio ang copy na ipinilabas dahil kakatransfer lang umano ng pelikula to 35mm film. Oo, ang ingay at ang saya ng buong Sine Adarna ng gabing yon! Wala akong ibang matandaan kundi tawanan, sigawan, tilian at lundagan sa mga upuan na para bang puro bading nalang ang nanonood. Sa isang iglap, mayaman o mahirap, straight o hindi, nakatira man sa executive village o sa iskinita, pare-parehong ng tawa ang lahat - tawang pangmahirap! 
    Ganito yon - BWAHAHAHAHAHAHHAA!!

    Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay breakthrough both sa Philippine independent and mainstream cinema. Isa itong uri ng pelikula na kumawala sa tradisyonal at kasalukuyang imahe nang paggawa ng sining pampelikula na nakakulong sa ilalim ng mga advertisers at income-based producers. Ang produksyong ito ay tahasang ekperimento sa makulay na buhay ng mga bakla na sinamahan ng kiliti, katatakutan, kalandian at realidad. Ito taliwas sa kultura na na-established ng mga nagdaang gay-themed indies na sumentro sa poverty porn or sexual fetishes. Hindi pa man ito ipinalabas sa nationwide screening, ang Remington itself, bilang isang produksyon at sining ay isa nang tagumpay. Sa madaling sabi, ang zombadings ay may tatlong descriptive words: Daring. Clever. Fresh.


    Matapos ang pagtatanghal, nagkaroon ng pagkakataon ang mga audience para magtanong sa creators ng Zombadings, present sa screening ang writer na si Raymond Lee, ang direktor na si Jade Castro at ang dalawang lead stars na si Mark Escuderro at Kerbie Zamora. Medyo nose-bleeding ang ilang katanungan mula sa mga audience na mostly mga film students ng UP, pero di nagpakabog sila Raymond Lee at Jade Castro na pawang mga alumni din ng UP. Nagkaroon kami ng pagkakataon upang makabonding ng onte sila sir Raymond at Jade after ng forum.



    A few audience left for the forum

    Ang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay ipapalabas sa mga sinehan ngayong August 31! 

    Sunday, July 31, 2011

    Dakerkads

    Hindi ko naman inakala na pumipila pala ng pagkatagal-tagala ang mga tao para makanood sa studio ng Eat Bulaga, ang longest-running noon-time variety show ng Pilipinas na #1 pa rin hanggang ngayon. Mapalad kaming nakapasok agad dahil kasali ang PUP sa Pinoy Henyo Inter-collegiate edition at ang department namin ang maglalaro. 




     Kasing liit lang ng isang regular cinema ang studio sa New Broadway Center. 




    Ang SOS ni Bossing! Haha! (Sandata On Sakuna)



     Anim na pangulo na rin ng Pilipinas ang dinaanan ng Eat Bulaga at nito lang ay cinelebrate nila kanilang ang ika-32nd anniversary. Kasama ng mga ka-dept at isang kadorm, naki-shembot kami with the rest of the daberkads for 2 and a half hour. A fun experience.