My proselyting shoes after going home from my full-time mission - DEC 17, 2007 |
Hindi ko agad naalala kahapon dahil kasalukuyan ako noong nasa dorm naiinip at naghihintay ng mga cancellations ng lakad ko para makauwi na sa Antipolo. Oo nga pala, sa mga ganitong pagkakataon hindi ko maiwasang mag reminisce, lalo na't malamig ang hangin. Kasabay kasi ng bawat ihip ng hangin ang mga ala-ala, masaya at malungkot na ala-ala. Malayo man ang pagitan at malaki man ang pinagkaiba, saan man ako makarating at ano man ang meron sa kin ngayon at sa mga darating na araw, palagi ko pa ring maalala ang araw na yon.